SHEENA Ako ang nautusan ni mom na maghugas ng mga pinagkainan namin kaya ako ang naiwan sa kusina namin para sundin ang utos niya. Kahit mayaman ang pamilya namin, hindi pa rin kami sumubok na mag-hire ng isang yaya dahil gusto pa rin naming mamuhay ng isang normal o simple. Kaya kahit may kanya-kanya na kaming pamumuhay ay hindi pa rin namin nakakalimutan magsama-sama paminsan-minsan. Nagbalik sa realidad ang isip ko nang marinig ang pagsarado ng refrigerator na nasa likod ko sa bandang kanan. Biglang pumintig ng sobrang bilis ang puso ko nang magkatitigan kami ni Shion pagkalingon ko sa aking likod. Una na kong umiwas ng tingin at bumaling sa hawak niyang bottled water. "Kumuha ako ng tubig dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw." Tinaas niya ang kanang kamay niya na may hawak na isang

