SHION Hindi ko alam kung bakit kanina pa ko wala sa sarili at tulala habang kausap si Serenity. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa bahay nina mom and dad. Alas-diyes pa lang ng umaga ay magkasama na kami ni Serenity, pero ang utak ko ay parang lumilipad pa. Sinundo ko si Serenity ng alas-otso sa condo na tinitirhan niya at dumiretso dito sa coffee shop. "Babe, are you listening to me?" Nagbalik ang diwa ko sa kausap nang mapansin ang pag-iiba ng boses ni Serenity. Napalingon ako sa kaniya at saka ko lang napansin na sobrang kunot na pala ang noo niya. "Yeah. I'm listening, babe." Mukhang hindi naniwala si Serenity sa sinabi ko dahil kahit kaunti ay hindi man lang nagbago ang expression ng kaniyang mukha. "Sige. Ano nga ulit 'yong sinabi ko?" Nag cross-arm siya a

