SHION Lumingon ako kay Sheena pagkatapos ay muli akong lumingon sa pintuan. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ko sa sitwasyon namin ngayon ni Sheena. Matutuwa dahil kasama ko ngayon mag-isa sa iisang kuwarto ang kambal ko o malulungkot dahil naka-lock kami ngayon sa isang kuwarto at hindi namin magawang makalabas. Bukod pa rito, mukhang malungkot si Sheena sa sitwasyon namin ngayon at hindi siya natutuwa na magkasama kami sa iisang kuwarto. Ilang oras na kaming magkasama rito, pero hindi pa ulit kami nagkikibuan. Magdamag lang siyang nakayuko at kapag lumalapit ako sa kaniya ay lumalayo siya sa akin at lumilipat ng ibang puwesto. Sa ngayon ay nandito ako nakaupo sa harap ng study table at siya naman ay nakaupo at nakayuko ulit sa kama. "Sheena, why are you ignoring me

