SHEENA Nagbalik lang ako sa katinuan nang hawakan ni Lyra ang dalawang balikat ko. "Sheena, umuwi ka na lang muna." Nalipat kay Lyra ang paningin ko at doon ko lang napansin ang nag-aalala niyang tingin sa akin. "Ha? Bakit?" "Sheena, you're here. I miss you." Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita ko si Summer papalapit sa akin kasama si Shion at director Jath. Niyakap ako ni Summer at pagkatapos makabawi sa bigla dahil sa ginawa niya ay niyakap ko na rin siya pabalik. "Me too," bulong ko dito. Una akong kumalas sa pagkakayakap. "What are you doing here? Gusto mo ba kaming makita ni babe? Napakatagal na panahon na magmula ng magkita tayo. Alam ko namang busy ka sa trabaho mo dahil hindi rin naman laro ang maging writer, pero nakakalungkot ta

