SHEENA Pinilit kong tanggalin ang kamay ni Shion sa braso ko at nagtagumpay naman ako. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ng matagal na mahawakan ni Shion ang ano mang parte ng katawan ko. Basta't madikit lang ang balat niya sa akin ay kinikilabutan na agad ako at bumibilis bigla ang t***k ng puso ko. Halos hindi na ko makahinga ngayong kaharap ko pa siya sa lugar na walang tao. Binaba ko ang aking paningin at pinagdikit ang sarili kong mga kamay. "Bakit, ano 'yon? Anong kailangan mo?" pilit kong ginagawang normal ang tono ng boses ko at hindi magpaapekto sa presensiya niya. "Sheena, okay ba tayo? Okay na ba tayo?" Nagpantig ang dalawang tainga ko sa sinabi ni Shion at hindi ko ito maintindihan. "Hmm. . . Hindi naman tayo nag-away kaya okay siguro tayo." Nasa ibaba pa rin ang tingi

