SHEENA Napangiti ako ng bahagya dahil sa ganda ng boses ni Clei, pero bigla akong natigilan nang makitang napatingin si Clei sa direksiyon ko. Nagtilian tuloy ang mga tao sa tabi ko at nag-aagawan na sila raw ang tiningnan ni Clei. Nagkasalubong ang mga paningin namin dahilan para masiguro ko na ako nga ang tinitingnan niya. Nang una ay nagdalawang isip pa ko dahil hindi ako sigurado kung anong reaksyon ko sa nangyayari. Kumurap-kurap ako para agad na maputol ang pagtitinginan namin, pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin at parang nagtatanong na nag-aalala ang mga titig na binibigay niya sa akin. Naalala ko na kakagaling ko lang pala sa iyak at malamang ay nagmumugto ngayon ang aking mga mata, pero napaka linaw naman ng mata niya para makita pa 'yon. Nilapit niya ang kaniya

