SHEENA Sobrang lakas ng tawa ni Clei habang naglalakad kami papunta sa private parking lot habang ako ay nakapoker-face lang sa kaniya. "Iniisip talaga ng mga tao sa backstage ay may relasyon tayong dalawa. Kahit nga sina direk at maniger ay napagkamalan na nilihim kita sa kanila," kuwento niya pa sabay tawa ulit ng malakas. Nakakainis talaga ang lalakeng ito. Huminto kami sa isang ferrari car. Habang binubuksan ang kotse ay lumingon pa siya sa akin. "Okay lang naman siguro ang inisip nila, hindi ba? Gano'n din naman ang pagkakaalam ng kambal mo at ng fiancee niya." Natigilan ako bigla dahil sa sinabi ni Clei. Oo nga pala, some people know that we are in a relationship. "But, I already said the truth to Shion," malungkot kong pahayag sa kaniya. Yumuko ako at napakagat-labi p

