SHEENA Nakaupo lamang ako sa sala habang nakayuko. Hindi ko magawang tumingin ngayon sa kaharap kong si Lyra na nakaupo sa kaharap kong sofa. "What are you doing here?" Batid kong kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay nakacross-arm na siya ngayon at nakataas na naman ang kilay niya. Sa sobrang dami ng nangyari sa amin ay nakalimutan ko ng ikuwento ang lahat ng iyon kay Lyra, ang bestfriend ko. Mahina akong napabuntong hininga. "I'm sorry, Lyra. Ganito kasi. . ." Hindi ko matapos-tapos ang gusto kong sabihin dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ewan ko ba kung bakit kapag si Lyra na ang kaharap ko at nagagalit ay grabe na ang kaba na mayroon ako. "Go. Give me a reasonable reason and a good story." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi ni Lyra. Hind

