SHEENA Hindi ko alam kung anong naisipan ko ngayong araw na ito para magbabad sa social media buong maghapon para lang magbasa ng mga posts or articles na magsasabi kung paano makaka move-on. Sa ilang ulit na pagkakataon ay muli akong bumuntong hininga. Maybe, I am too desperate to forget my twins? But to my disappointment, wala akong nakitang posts or article na nagsasabing, 'how to move-on with your twins'. Puro ex ang nababasa ko at malamang ay hindi nila 'yon kambal katulad ng kalagayan ko. Tss. Kung magpa-consult kaya ko sa isang psychiatrist? Napangiwi ako sa idea na pumasok sa utak ko. I'm still not that crazy para gawin 'yon. Ipinatong ko ang aking laptop sa study table at pabagsak na humiga sa aking kama. Wala ngayon dito si Lyra sa bahay dahil malamang ay may shooting na na

