SHEENA Kulang na lang yata ay ibalibag ako ni Lyra para mapabangon niya ko sa aking kama. Ilang beses na rin niya kong sinigawan at tinarayan, pero nanatili pa rin akong nakaratay sa higaan. Sobrang bigat ng ulo ko at kahit nakataklob na ko ng makapal kong kumot ay nilalamig pa rin ako. Pinilit kong imulat ang isa kong mata para tingnan si Lyra na nakapamewang ngayon sa aking harapan. Parang mas nanay ang dating niya kaysa kay mom. Bumuntong hininga tuloy ako ng malalim. "How many times do I have to tell you? Kailangan ay present tayo lalo ka na sa pag-uusap ng magulang mo at magulang ni Summer para sa darating na kasal nina Shion at Summer. Ano? Magmumukmok ka na lang ba d'yan?" usal ulit sa 'kin ni Lyra. Hindi ko alam kung ilang beses niya ng sinabi sa akin ang mga katagang ito.

