SHEENA Hindi ko talaga alam kung ilang araw na kong nakaratay sa aking kamay. Med'yo masama pa rin ang pakiramdam ko, pero hindi na ito kasing lala tulad ng una. 'Yon nga lang ay wala pa rin akong boses. Binibisita lang ako ng family ko paminsan-minsan dahil busy sila sa pag-aasikaso sa kasal nina Shion at Summer. Kaya madalas ay si Lyra talaga ang nag-aalaga sa akin. Madalas ay busy din si Lyra sa kaniyang career kaya nagpapa-iwan na lang ako sa kaniya. Madalas tuloy ay wala akong kasama. Trangkaso kasi ang dumapo sa akin kaya matagal akong gumaling. Nakakainis pa dahil kahit gusto kong kumain ay hindi ko magawa dahil wala rin akong panlasa. Sa ngayon ay mag-isa lang ako sa apartment at nagluluto ng sarili kong pagkain. Nanghihina pa ang nga tuhod ko, pero pilit kong kinakaya para mak

