Chapter 6

1027 Words
Sheysu's POV Nakarating na ako sa dorm namin at pagka bukas ko palang ng pinto ay kaagad ng bumungad ang mukha ni Ally na siyang tulog na tulog pa hanggang ngayon. Tumutulo pa ang laway sa unan ko kadiri talaga kahit kelan tapos tulog mantika pa hays. Tutal tulog pa naman siya kaya naisipan kong pumunta muna sa kusina para doon mag luto ng aming makakain. "Hoy sino ka ha? Paano ka nakapasok sa dorm namin?'' sabi ni Ally kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. ''Ako ito, si Sheysu'' sabi ko sa kanya. ''SHEYSU??!?" gulat na gulat niyang tanong. ''Oo, ako nga'' nakangiting sagot ko sa kaniya. "Ikaw ba talaga yan Shey? Bakit ganyan ang itsura mo ha?'' hindi makapaniwalang tanong niya. "Hindi ko rin alam eh'' agad kong sagot sa kan'ya. ''Nagpunta kaba sa salon? Andaya mo naman Shey, di ka manlang talaga nag abalang mag-aya noh pero okay lang mas kailangan mo yan eh hahaha inferness bagay sayo ses mas lalo kang gumanda. Naging kulay brown pa yung buhok mo, mas lalo ka ding pumuti saka ang lakas mong tingnan ngayon. Lakas maka All in One ses ahh'' sabi ni Ally na para bang kinikilig pa siya para sa'kin. ''Oh tama na yang pagpuri mo sa'kin kumain nalang muna tayo, tignan mo oh mag se-7 na'' sabi ko sa kan'ya. ''Hala oo nga pala'' Ally. Nung matapos kaming kumain ni Ally ay agad narin kaming gumayak papunta sa academia. *Court* Nandito kami para mag ensayo para sa nalalapit na laban namin ng mga higher section, ilang minuto pa ang nakalipas habang nagpa-practice kami ay biglang dumating yung mga tiga higher section. ''Akalain mo yun, ang titibay n'yo rin noh at nagpa-practice pa talaga kayo, bakit pa ba kayo nagpapakahirap mag practice eh kung hindi naman kayo yung mananalo. Sayang lang effort niyo HAHA'' sabi ni Ken na isa sa mga hambog ng section nila. ''Aba ang kakapal din naman pala ng mga pagmumuka ninyo noh'' sabi naman ni Jas. (Jasfrullah talaga name niya) ''Ouch! ang sakit naman non. Hindi yata ako na inform na masama na palang mag sabi ng katotoohanan ngayon? Haha'' sabi ni Ken. Sa inis nito ay susugod na sana si Jas kaya lang ay pinigilan siya ng adviser namin na si ma'am Divine. ''Jas anak tama na." Pag-awat ni ma'am. "Pasensyahan niyo nalang yung mga inasal sa inyo ng mga estudyante ko'' magalang na sabi ni ma'am Jas. ''Ma'am Divine, bakit ikaw yung humihingi ng pasensya dapat sila yung mag sorry sa'min. Masyado nilang minamaliit ang section namin!'' asar na asad na sabi ni Jas. ''Jas! I said stop!'' saway ni ma'am Divine kay Jas. ''Sorry po ma'am'' Jas. ''Ano na? Nasan na yung tapang mo kanina Jas?! Wala ka naman palang binatbat eh Haha'' Ken at nagtawanan na naman silang lahat. ''Ken'' saway sa kanila ni Aya. ''Sorry Princess" sabi ni Ken tapos binelatan lang siya ni Jas. Sinamaan naman ng tingin ni Ken si Jas kaya agad din naman itong tumigil sa pang-aasar. Habang nagpa-practice kami ay napansin kong pinagmamasdan kami ng mga tiga higher section. Yung iba tuloy sa'min ay nawawala na sa focus at isa pa dito ay hindi nadin sila makapag practice ng maayos dahil sa kahihiyan kapag kase nagkakamali sila ay agad na silang pinag tatawanan ng mga tiga higher section. ''Sheysu, tignan mo. Tiga higher section din pala si Alice noh'' sabi ni Ally sabay turo sa direksyon ng mga higher section kung saan nakatayo si Alicesia. Pinagmasdan ko siya ng mabuti at napansin ko na para bang pinag aaralan nya kung paano kumilos at magpractice ang mga kaklase namin pero ' 'di kona ito pinansin. ''Ano kayang ability niya?'' takang tanong sakin ni Ally. ''Malalaman din natin yan sa araw ng laban'' sabi ko. Matapos non ay nagpatuloy na lang ako sa'king ginagawa. Napangiti nalang ako nang bigla kong maalala na malapit na ang tinakdang laban sa pagitan namin at ng mga tiga higher section, excited nako sa laban. Ang tagal naman kasi. Napatingin ako sa gawi nila Josh at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin, mga sampong segundo pa kami nagka titigan hanggang sa tumingin siya sa ibang direksyon. ''Sheysu, tara na'' pag-aya sakin ni Ally. ''Saan?'' tanong ko. ''Malamang magpa-practice tayo, haler kaya nga tayo nandito 'di ba para mag-practice'' sabi niya kaya natawa nalang ako. ''Sorry na po tao lang, teka intayin moko'' natatawa kong sabi sa kan'ya. Nagsimula na ulit kaming mag-practice at tulad parin ng dati ang bilis paring mapagod ni Ally. ''Pagod nako'' reklamo niya. ''Ha! Pagod kana n'yan? Pinapaalala ko lang sayo haa baka nakakalimutan mona kase na nakaka 20 minutes palang po tayo dito tapos pagod kana kaagad?'' sabi ko. Bigla nalang kami nakarinig ng malakas na pagsabog kaya napatingin kami sa gawi nila Jas kung saan ito nanggaling. Nakita kong naglalaban silang dalawa. Lagot! Nagiging itim na yung mata ni Ken, dahilan kung saan pwede n'yang mapatay si Jas sa oras na maglaban na sila. Pero paano ko kaya sila pipigilan n'yan. Tulad ko ay nag isip rin si Ally ng paraan para mahinto ang laban. Tumakbo si Ally papunta kila Jas pero sinigawan lamang ito ni Ken dahilan para bumalik ito sa tabi ko. ''Ikaw huwag kang makikialam dito, kung ayaw mong madamay!'' halata sa boses ni Ken ang pagbabanta. Si Jas naman ay hinang-hina na at halatang natatakot na din ito sa maaring pang gawin sakan'ya ni Ken. Bakas sa mukha ng mga tiga lower section ang kaba at takot samantalang yung mga tiga higher section naman ay tuwang-tuwa pa sa mga nakikita nila, tsk mga wala talagang puso. Pumunta na agad ako sa likod ng puno upang walang makakita sa gagawin ko. Pumikit ako at nakiramdam sa paligid sinusubukan kong kontrolin ang kapangyarihan ni Ken at buti nalang talaga at nagawa ko. Panandalian ko munang inoff ang kapangyarihan ni Ken para sa ikakabuti ng lahat, kaya kong i-off ang kapangyarihan ng isang tao na siya pang tinuro sakin ng daddy ko noon. Lumabas na ako sa pinagtataguan kong puno at doon sa di kalayuan ay nakita ko si Ken na mukhang nagtakang-taka sa mga nangyari. ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD