Chapter 7

1115 Words
Sheysu's POV Bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay bigla na lang lumabo ang paningin ko at naramdaman kona lang na bumagsak na ako sa damuhan. *Black Out* Third Person's POV " Hoy! Itigil nyo na'yan. " " Jas, tama na! Baka lalo kang mapahamak." Pag-awat ng mga iba pang mga estudyante mula sa lower section. Sa gitna ng paghaharap nila Ken at Jas, ay biglang napansin ni Ally na nawala na sa kan'yang tabi ang kaibigan nitong si Shey. Nilibot nya ang paligid at sa may di kalayuan ay nakita n'ya ito. Nang papalapit na s'ya rito ay biglang bumagsak si Sheysu sa damuhan. Dali-dali itong tumakbo at agad siyang lumapit kay Sheysu. Gigisingin na sana niya ito, nang bigla itong naglaho sa hangin na para bang bula. Tanging si Ally lamang ang siyang nakakita at nakaka alam sa pangyayare dahil halos lahat ng estudyante roon ay abala sa kung ano nang nangyayare sa pagitan ni Ken at Jas. Sheysu's POV Pagkagising ko ay laking gulat ko nang makitang nasa gilid na ako ng lawa. Inilibot ko muna ang aking paningin. Ang pagka balisa ko ay agad ring napalitan ng pagkamangha ko sa aking mga nakikita. "Sobrang ganda dito" sabi ko. Makikita mo dito ang mga makukulay na paru-paru na siyang nagsisiliparan sa tabi nang mga nag gagandahan ding mga bulaklak. "Gising kana pala" napatingin ako sa likod ko at doon ay may nakita akong magandang babae. Kulay brown ang mga mata nito ka tulad rin ng kulay ng kan'yang buhok na s'yang humahawi sa itsura nito dahilan upang hindi ko s'ya lubusang makita. ''Sino ka? Nasan ako ngayon?'' Sunod sunod kong tanong sa kan'ya ngunit isang matamis na ngiti lamang ang responde niya. ''Ang laki na ng pinag bago mo Card Master, mas lalo kang gumanda ngayon.'' naka ngiti niyang sinabi sakin. ''Teka paano mo nalaman na ako ang Card Master?" Takang tanong ko sa kan'ya. "Ako ang naatasan bilang taga pag bantay ng Enchanted Academy kaya alam ko na ikaw ang Card Master'' sabi nito. Ngayon ko lang nalaman na may taga pag bantay pala ang ECT Academy sabi ko sa sarili ko. "Edi ibig sabihin non ay alam mo lahat ng kaganapan sa loob ng ECT?'' diretsong tanong ko. ''Oo naman" tugon nito. "Mai-tanong ko lang? Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako hinimatay kanina?'' takang tanong ko. "Hinimatay ka kanina dahil na pwersa ang katawan mo dahil sa lakas ng ginamit mong mahika" ani n'ya. "Isang payo lang para sayo Card Master. Upang maiwasan mo ang ganitong pangyayari. Huwag mo masyadong gamitin ang kapangyarihan mo. Maari mo parin naman itong gamitin ngunit kailangan mo itong limitahan. Kapag kase ginagamit mo ng buong pwersa ang iyong kapangyarihan ay malaki ang tyansa na manghina ka ulit at sa susunod ay maaring mahimatay ka tulad ng nangyari sayo kanina" ani nito. "Akala ko ba ay malakas nako?'' takang sabi ko. ''Oo malakas ka nga pero hindi pa kumpleto ang lakas mo Card Master. May mga ilang buwan pa ang kakailanganing lumipas para lang makumpleto mo ang taglay mong lakas. Para sakin, mahina kapa sa ngayon at hindi ko nakikita sayo ang iyong ina." sabi niya na s'yang ikinagulo ng isipan ko. ''Anong ibig niyo pong sabihin? Ano ba si mama dati? Pwede bang kwentuhan niyo ho ako tungkol sa kan'ya?'' sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya. Tumango lang ito at nag simula nang magsalita. "Ang mama mo ang siyang dating Card Master ng ECT Academy. Tulad mo, nung una ay mahina din siya pero nung sumapit ang buwan ng Agosto ay maraming nag bago sa kanya-" hindi pa natatapos ang kanyang sasabihin ng biglang. "Yuri!" napatingin kaming dalawa sa babaeng nag-salita. ''Hanggang diyan na lamang ang maike-kwento ko sa iyo, hanggang sa muli Card Master." Paalam nito at nag bow sa'kin tanda bilang pag galang. "Yuri ang---- " bago ko pa maituloy ang nais kong sabihin ay bigla na akong nakaramdam ng antok at unti-unti nakong nilamon ng dilim. *Black Out* Nagising ako at bumungad sakin yung lawa kung saan unti-unting nagsimula ang pagbabago ng itsura ko at kakayahan. Maya maya pa ay umupo nalang ako sa may punong nakatumba at saka pinagmasdan ang lawa. "Marami pa akong gustong malaman..." sabi ko sa isip ko. Maya maya pa ay naisipan ko nang bumalik sa dorm dahil pagabi nadin. Pagtayo ko ay biglang may tumalon na tao mula sa puno, paglingon ko ay agad na bumungad si Josh na s'yang nakatingin na sakin ngayon. "Anong tinitingin-tingin mo diyan ha?'' maangas na tono kong pagtatanong, aba para lang alam n'ya na hindi porket Hari siya dito eh gagalang-galangin ko na siya. "Tsk, insane'' aba't bwusit to ahh insane insane pang nalalaman sa dyosa kong to, Ako pa baliw? ''Inggit kalang sa beauty ko" sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay. ''Ha? Ano namang kinalaman nun sa pagiging baliw mo?'' tama nga naman siya, ano nga bang kinalaman ng pagiging dyosa ko? "Hmmp!'' makaalis nanga, pahiya ako. Hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ay may narinig na akong pagsabog... "Hahahaha long time no see Josh'' napatingin ako sa gawi nila Josh, naglalaban silang dalawa nung lalakeng naka cloak na itim. "Ano na naman bang kailangan mo sakin ha?!'' pagalit niyang sabi pero hindi halata sa mukha niyang galit siya. Habang hindi pa nila ako nakikita ay nagtago pa muna ako sa likod ng mga halaman para umusisa sa pag uusapan nila. ''Anong kailangan ko? Simple lang naman Josh. Gusto ko lang namang sakupin ang lugar niyo hahaha" parang baliw yung lalake, tawa ng tawa wala namang nakakatawa. "Kahit kailan hindi niyo masasakop ang ECT Academy tandaan mo yan" matigas na sabi ni Josh. ''Hahahaha sigurado ka naba d'yan Josh? Kase ako siguradong sigurado na, Syempre naman at magagawa naming sakupin 'to lalo pa't kalat na sa'min na wala na ang Alas nyo (ang Card Master)." Aba't siraulong yun ah, Hello? 'di pa ako tegi nandito pa ho ako noh buhay na buhay. Ikaw kaya ang patayin ko d'yan pisti ka. Hindi sumagot si Josh. "Hahaha matagal ng patay ang Card Master niyo Josh, ano pa bang inaasahan mo." Sabi nang lalake. Juice colored pwede niyo nang ipambato 'to galing gumawa ng kwento eh, pwede ka nang writer. At ito namang si Josh mukang naniwala sa sinasabi nitong mokong. "Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga pinagsasasabi mo." ani ni Josh, ngayon naman naka poker face siya, moody ata tong lalakeng to. "Mielo!'' napatingin ako sa lalakeng nagsalita, mukang tinawag niya yung lalakeng naka cloak na black. ''Hanggang sa muli Josh hahaha'' paalam nung lalake at agad nang umalis kasama yung lalake kanina. Pagtingin ko kay Josh..... nakatingin na siya sakin, lagot! ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD