Chapter 8

1212 Words
Sheysu's POV "B-bakit ka nakatingin ha?" tanong ko, unti-unti siyang lumalapit sakin at ako naman ay unti-unting napapa atras, pero shet ayoko na talaga pahiya na naman ako neto. Yumuko ito at saka s'ya bumulong sa'kin "Wag na wag mong ipagsasabi sa kahit na kanino ang tungkol dito." Wala na akong magawa, kaya naman ay napa "oo" nalang ako bigla. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya at huminto naman agad ito. "Pasabay" sabi ko ng walang pag-aalinlangan. Pumayag naman ito at ganoon na nga ang nangyari. Sabay na kaming naglalakad ngayon ni Josh papunta sa ECT Academy, kahit isa samin ay walang nag abalang mangamusta o magsalita. Hanggang sa makarating na kami sa Academy ng wala man lang kibuan, may ibang mga estudyante na nakakita saming magkasabay at halata naman sa mukha nila ang pagka gulat. ''Bakit sila magkasabay ng King?'' ''Close ba sila o magkakilala?'' ''Baka naman ginayuma niya'' "Lagot siya sa Queen pag nalaman niya ito" Mga chismosang toh naki sabay lang naman ako papunta dito eh, big deal na. "Hmmp!" binilisan ko nalang ang paglalakad para makaiwas sa chismis. Maya maya pa ay nakita ko na sa dulong hall si Ally. Naka pwesto ito sa isang bench kaya pinuntahan ko na siya agad. ''Alleyy~" masiglang tawag ko sa kanya. ''Oh Sheysu ikaw pala." Nakangiting bati nya. "Totoo ba yung balita na magkasabay kayo ni King kanina?'' tanong niya, ngayon ay naniniwala na talaga ako na may pakpak ang balita, salamat sa lahat ng chikadorang estudyante ng ECT. "Oo'' sagot ko sa kanya. ''Kayo naba? Nag date ba kayo kanina? Kailan pa naging kayo?'' sunod-sunod na tanong niya sa'kin, kaya naman binatukan ko siya ng isa para mahimasmasan naman s'ya sa mga pinagsasasabi niya. ''Ouch! Nagtatanong lang naman eh.'' daing niya. ''Ano kaba naman, H.I.N.D.I K.A.M.I okay?'' sabi ko. ''Sorry naman, akala ko naman kase na kayo na. Magpapa-party sana ko'' sinamaan ko siya ng tingin, nag peace sign lang siya. ''May practice ba?'' tanong ko. ''Ewan ko'' sagot niya, kaya naman napa buntong hininga nalang ako. Nakita ko ang mga kaklase namin at magkakasama na silang lahat, napatingin sa gawi namin si Aira tapos ay kaagad itong lumapit sa amin. "Tara, sumama kayo samin at mag practice tayo dahil hula ko lang naman na walang balak ang adviser natin na pag-praktisin tayo ngayon.'' sabi niya samin. "Sige'' pag sang-ayon naman ni Ally at ganun na din ako. Habang naglalakad... ''Saan ba tayo magpa-practice?" tanong ni Kevin. ''Saan nga ba?" tanong ni Aira at tila napa isip din. ''Ahh alam ko na, may alam kaming magandang lugar ni Sheysu.'' napatingin kami kay Ally. "Saan?" tanong nilang lahat. "Sumunod na lang kayo sa'kin." sabi ni Ally at saka ako hinila. "Hoy saan ba yung tinutukoy mong lugar?" pabulong na tanong ko kay Ally. ''Saan pa ba edi doon sa may gubat." naka ngiti niyang pang sabi sa akin. ''Loka ka baka mahuli tayo ng mga nagbabantay" sabi ko. ''Hindi yan'' sagot naman niya at itinuloy nalang namin ang paglalakad. Sa likod kami ng school dumaan... ''Teka lang, pupunta tayo ng gubat?" tanong ni Aira na para bang natatakot dahil sa patakaran ng school. ''Oo, doon maganda mag practice." sabi ni Ally. ''Eh 'di ba delikado doon." sabi naman ni Angelo. ''At saka baka mahuli tayo nyan." sabi naman ni Kian. ''Ano ba, gusto nyo pa bang magpractice o wag na lang? Saglit lang naman tayo eh. Mag tiwala nalang kase kayo, kaya tara na baka gabihin pa tayo nyan." Pilit na pag aya sa kanila ni Ally, mukha din naman silang nakumbinsi. Wala na rin naman silang nagawa kun'di ang sumunod tutal nandito na din naman kami sa harap ng gate kaya lumabas na kami. Ilang minuto din ang nilakad namin at ngayon ay nandito na kami sa malawak na damuhan. At wow! Ang ganda dito. "Ang gandaa! Para tayong nasa paraiso." sabi ni Jen. "Oo nga buti nalang talaga at tumuloy tayo." nakangiting sabi ni Aira. "Oh tama na yan, pumunta tayo dito para magpractice 'di para mag relax ahh, Kaya tara na mag practice na tayo" sabi ko para 'di na kami abutin pa ng dilim. Nagsimula na kaming mag practice. Pinagmasdan ko ang bawat kilos at bato ng atake nila habang nagpa-practice ang mga ito at dito ko napag tantong mahina pa sila at kailangan pa nila ng matinding ensayo para humusay sa pakikipag laban. Maya maya pa ay sinimulan ko naring mag ensayo upang lalo pa akong lumakas. Habang nagpa-practice kami ay bigla kaming naka rinig ng pag sabog at nagulat na lang ako ng makitang tumalsik sa harapan ko si Aira. "Hahaha ang hihina naman pala talaga ng mga estudyante sa ECT." Napatingin ako sa lalake na s'yang naka lutang sa ere, teka... siya 'di ba yung lalakeng naka away ni Josh kanina sabi ko sa sarili ko. "Sino ba kayo ha?! Bakit ba kayo nangugulo dito?!" tanong ni Laila. ''Mga tiga Monggolia kami." sagot nung lalakeng gwapo sa likod. ''Ahh eh kaya pala mukha kayong unggoy." sabat ni Kevin kaya natawa kaming lahat at si Mielo naman (ung lalake kanina) biglang naasar kaya pinatamaan niya si Kevin pero sadyang mabilis si kevin kaya hindi niya ito natamaan. "Panget na nga pikon pa." sabi ni Kevin. Napatingin ako kay Mielo at asar na asar na ito kay Kevin, napatingin naman ako sa bandang likuran ni Mielo kung saan tumambad ang isang gwapong nilalang at parang wala lang sa kanya yung pang aasar na ginagawa ni Kevin kay Mielo. Nagulat kaming lahat ng biglang tumalsik si Kevin sa puno. "Masyado kang mapang-asar pero wala ka namang binatbat." sabi nung gwapong nilalang na demonyo pala. Hays sayang ka. "Ano bang kailangan niyo samin ha?!'' pasigaw na tanong ni Ally. ''Buhay niyo." Diretsong sagot ni GN (Gwapong Nilalang) bigla kaming napa lunok. "Umalis na tayo dito." bulong ko kay Ally. ''Paano?" pabulong niyang tanong. ''Tumakbo tayo." suggest ko. ''Eh paano naman sila?'' tanong niya habang naka tingin sa iba naming kaklase. Napatigil kami sa pag-uusap ni Ally ng may biglang dumaang tao sa gilid ko, pag tingin ko ay si GN pala. ''Plano niyong tumakas? Hahahahh alam nyo ba na isa lang ang paraan para makatakas kayo?" Sabi ni GN. "At ano naman yon ha?!" mataray na sambit ni Ally. "Simple lang, makakatakas lang kayo kapag nakuha kona ang buhay niyong dalawa Hahahhah." sabi niya habang tumatawa at saka s'ya ngumisi ng nakakakilabot. Tumingin siya sakin at sinabing ''Ikaw ang uunahin ko" bigla niya akong hinalikan at kasabay ng matagal na pag halik niya ay bigla akong nanghihina. Naramdaman kong may papalapit na shuriken na papunta sa gawi namin doon at saka lang ako binitawan ni GN at bigla akong bumagsak buti nalang talaga at nasalo ako ni Ally. "Shey, okay kalang ba?" tanong niya. ''Nanghihina ako.'' sabi ko at nakita ko na lumapit sakin si Aira. ''Kaya ka nanghina ay dahil siya ang kissing prince, at sa oras na halikan ka niya ay manghihina ka at siya naman ang lumalakas kumbaga ay kinukuha niya ang lakas mo." paliwanag ni Aira. Kaya pala... "Hahaha Oh ikaw pala yan Josh. Namiss mo agad ako." napatingin kami sa gawi ni GN na ngayon ay nakangisi na ng nakaka loko kay Josh. ''Hindi kapa rin nagbabago Spike." sagot ni Josh. Oh-uh mukang masama ang kutob ko sa laban nato. ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD