Chapter 9

997 Words
Sheysu's POV "Kakaiba rin 'yang tapang mo noh Josh. Ang lakas naman ng loob mong mag pakita pa sa'kin matapos ng ginawa mo sa ate ko." sabi ni Spike. Ano naman kaya 'yun? Nginitian lang siya ni Josh at walang ano ano pa'y saka ito nagpakawala ng sunod sunod na shuriken, sumugod ito kay Spike upang umatake. Sa sobrang bilis nilang kumilos at lumaban ay nag iwan ito nang sobrang lakas na hangin sapat para hanginin kami ng onti, agad silang nawala sa aming paningin. Ang iba naman sa aming mga kasama ay imbis na matakot ay parang nag e-enjoy pa sa kanilang nakikita. "Guys, Sa tingin ko ay kailangan na nating umalis dito dahil kung nandito ang king ay siguradong papunta narin dito ang iba pang mga Royals tulad ng Queen, Prince, at Princess." Nangangamba na sabi sa'min ni Ally at may punto naman siya, kailangan na talaga naming mag madaling umalis dahil pagka nagkataong mahuli nila kami ay mapaparusahan kami pero... "Ano ba kayo? At ngayon pa talaga kayo nagplanong tumakas? Kita n'yo naman na wala nang saysay ang pag takas natin hindi ba't nakita na nga tayo ni King kanina at posible ring sabihin niya din iyon sa iba pang mga royals." sabi naman ni Aira. ''Eh anong gusto niyong gawin natin? Hala sigi sabay sabay tayong tumambay dito at manuod sa kanila?? Ganon ba? Alam nyo namang delikado dito guys. Kung magtatagal pa tayo ay posible ring madamay pa tayo sa away nila. Kaya mas ok sana kung ngayon palang ay umalis na tayo dito bago pa nila tayo maabutan. At higit sa lahat mga beh hindi tayo nandito para manuod ng sine noh, paalala ko lang buhay natin ang nakasalalay dito." sagot naman ni Tina. "Sang-ayon din ako sa sinabi ni Tina, tama s'ya hindi na tayo safe dito at mas lalong delikado kung magtatagal pa tayo dito kaya ligpitin nyo na lahat ng dala nyo at bumalik na tayo agad sa Academy." sagot ko. "Tara bilisan na natin." Pag sang-ayon din na sabi ni Icy. Aalis na sana kami ng biglang may humarang sa aming dadaanan. "At san n'yo balak pumunta."Josh. "A-ah eh hihingi ng tulong?" sagot ni Ally sa kan'ya. " Huwag ka nang magpalusot. At kayo... Sa tingin niyo ba ay hahayaan ko kayong makatakas ng ganon ganon nalang, pagkatapos ng gulo n'yong pinasok? Sumama kayong lahat sa'kin papuntang Academia para sa parusang naghihintay sa inyo." matigas na sabi ni Josh. Lahat sila ay kinabahan. Hindi rin naman namin inaasahan na mabilis n'yang matatalo si Spike, kaya ngayon ay no choice na din kami kung hindi ang sumunod at sumama sa kanya patungo sa ECT Academy. ** Pagpasok ng Academia... Lahat ng mga mata nang estudyante mula sa higher section at ibang tiga lower section ay naka sunod lang ng tingin sa amin, tila ba inaalam kung bakit namin kasama ang King. Hays kung alam nyo lang, hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy nalang sa pagsunod kay Josh papuntang office. Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng office. Kumatok si Josh at una itong pumasok sa loob, naiwan pa kami sa labas ng mga limang minuto hanggang sa tawagin na kami ni Josh para pumasok sa loob. Ngayon ay nasa harapan na namin ang bruha este ang Queen. Mas naramdaman ko ang takot ng mga kaklase ko ngayong kaharap na namin si Catrina. "Ang titigas din naman talaga ng ulo ninyong mga tiga lower class noh, hindi na kayo nadala. Alam niyo naman na nakasaad sa patakaran ng ECT na bawal pumunta sa lugar na 'yon pero pumunta pa rin kayo, bakit kaya hindi n'yo ngayon ilabas ang tapang n'yo sa haharapin niyong kaparusahang na siyang nag hihintay na sa inyo." Taas kilay nitong sinabi. "Bilang parusa sa pag 'di nyo sunod sa patakaran na inilungsad dito sa ECT Academy, hindi niyo muna magagamit ang mga guardian niyo at isa pang dagdag na kaparusahan ay isang linggo kayong hindi makaka gamit nang kapangyarihan niyo." makapangyarihang sabi ni Catrina (Queen). "Ibig bang sabihin nito Queen ay para lang kaming isang ordirayong tao?" tanong ni Jas kay Catrina. ''Duh! Syempre naman. Okay lang yan, para naman magtino din kayo kahit papaano." sabi ng Queen sabay irap at pinalabas na niya kami sa office. "Owemji Guys...feeling ko nanghihina na ako, ramdam kona tuloy na ordinaryong tao na ako huhu." malungkot na sabi ni Tricia na s'yang katulad din nang mga sinasabi ng iba pa naming mga kasama na pumunta sa gubat. Kung sila ay tinablan ng spell ni Catrina pwes ako hindi. Sa gitna ng daan ay naghiwa-hiwalay na kami. Kami naman ni Ally ay agad nang dumiretso papunta sa aming dorm. Pagkabukas ko palang ng pinto ay agad nang dumeretso sa kama si Ally para humiga, dahil siguro sa panghihina nito. Tumingin ito sa'kin at saka dahan dahang tinapik ang kama kaya humiga nadin ako. ''Ang hina-hina ko na, paano pa kaya tayo n'yan makakapag practice kung hindi naman natin magagamit ang kapangyarihan natin." mahinang sabi ni Ally. Umupo ako sa tabi n'ya at kinuha ko yung dalawang kamay niya. ''Oh anong meron? Anong gagawin mo?" takang tanong niya sakin pero hindi ko muna siya sinagot. Pumikit ako at saka 'ko nag concentrate. Makalipas ang labing limang minuto ay dumilat na ako. "Bakit ganon? Hindi na ako nanghihina, anong ginawa mo sa'kin Shey? Akala ko ba ay hindi na natin magagamit ang kapangyarihan natin pero bakit nagamit mo ang iyo?" nagtatakang tanong niya. Gamit ang sarili kong kapangyarihan ay dahan dahan kong tinanggal ang bumabalot na spell sa katawan ni Ally na s'yang dahilan upang manghina ito at tuluyan n'yang hindi magamit ang kapangyarihan niya. Nanatili akong tamik dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko at kung paano ko ba ito sakan'ya sa sabihin, sa ngayon ay napagpasyahan kong 'wag munang sabihin ang tungkol sa aking kapangyarihan. Hindi ko na muna sinagot ang tanong niya at isang ngiti nalang ang binigay ko rito. ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD