Sheysu's POV
Pagkatapos kong tanggalin ang mahika na s'yang naka balot sa katawan ni Ally ay agad na 'kong lumabas ng kwarto para hindi na ito magtanong nang kung ano-ano pa at syempre para nadin mag pahangin. Sa pagkatulala ko ay bigla kong naalala ang mga pangyayare kanina sa gubat, at bigla na lang akong napahawak sa labi ko tsk. Sabay sabi na "Wala na yung first kiss ko." Sisiguraduhin kong malalagot sa'kin 'yang Spike na yan kapag nagkaharap na ulit kami.
Wala pang kalahating oras ay nakaramdam na ako ng pagkabagot. Kaya nag isip nalang ako ng pwedeng gawin, eh kung magpractice nalang kaya? Eh kaso baka kulitin lang ako ni Ally tungkol sa kapangyarihan ko. Wag na nga lang.
"Hays ang boring na talaga dito, gusto ko ng mapaglilibangan." Sabi ko habang napapahilamos pa sa aking mukha. Aha! Alam ko na, try ko kayang pumunta sa mundo ng mga tao. Tama, tama dun na nga lang ako maglilibang.
Dali dali akong pumasok sa dorm namin ni Ally at mukhang 'di pa naman siya bumabangon sa higaan. Kaya agad akong dumeretso papunta sa banyo at saka doon inilabas yung chalk kong kulay rainbow. At agad din akong gumuhit ng malaking bilog sa pinto at saka ako doon pumasok.
*EARTH*
Hindi ko alam kung saan ba ako nag landing pero isa lang ang sigurado...ang sakit ng pwetan ko punyeta, dinilat ko yung mga mata ko at sobrang dilim ng paligid.
Maya maya pa....
"Bakit parang biglang bumigat 'tong kahon?" Narinig kong sabi nang isang boses ng lalake, sinubukan kong gumalaw pero nahirapan lang ako dahil sobrang sa sikip.
"Bossing gumagalaw yung kahon!" Tarantang sabi ng isang boses.
"Pare, ikaw na nga ang mag bukas nito." Utos pa nito sa isang kasama.
Hindi nila 'ko pwedeng makita!
"Ano bang tinatanga tanga niyo diyan? Buksan niyo na yung kahon para makita ko na yung bago kong tv." Sabi ng isa pang boses. Siguro ung boss nila.
Natataranta na ko ngayon at hindi ko na alam kung ano ba'ng gawin ko. Bakit naman kase sa dinami rami ng lugar dito na pwedeng pag landingan ay sa loob pa 'ko ng kahon napunta ha?! Baket?!
"Opo boss, sorry. Eto na." Sagot nito sa amo n'ya at biglang lumiwanag sa bandang taas kaya napatingin ako.
Tumayo ako para tignan ang paligid kaso ay agad akong napatakip nang tenga ko nang marinig ko silang sumigaw pagtapos nila akong makitang lumabas sa kahon.
Kenzo's POV
Nagulat ako ng biglang sumigaw yung dalawa at saka lumayo sa kahon kaya napa kunot yung noo ko at saka nagmadaling pumunta sa gawi nila.
Pero mas nagulat pa ako nang may lumabas na babae doon sa kahon ng tv. Pinadaanan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa at doon ay napansin kong hindi ito taga dito.
"Sino ka?!" Gulat na tanong ko sa kan'ya dahil sigurado naman ako na tv yung inorder ko, at hindi babae. Pero bakit iba 'yung dumating? Bakit iba 'yung nasa kahon? Takang tanong ko sa sarili.
"Sino ka? Nasan ako? Bakit ako nandito?" Sunod-sunod na tanong ng babae kaya naman naguluhan ako.
''Kumalma ka, Kenzo.'' Bulong ko sa sarili ko dahil hindi talaga ko makapaniwala sa mga nangyayare. Ilang beses pa muna akong nag inhale exhale hanggang sa kumalma 'ko.
Nang ayos na 'ko ay umupo na ako sa sofa saka ko s'ya pinatawag sa dalawa kong tauhan. Habang hinihintay ko siya ay hindi parin talaga ako mapakali sa kakaisip kung pano ito napunta sa loob ng box. Maya maya pa ay dumating na ito, pinatuloy kona s'ya at sinenyasan na umupo sa kabilang sofa. Sumunod naman agad ito at tahimik na umupo. Pinagmasdan ko pa muna sya at saka nagsimulang magtanong.
"Sabihin mo nga sa'kin, kung paanong nangyari na napunta ka sa loob nang kahon na 'yun imbis na yung tv na inorder ko." Kalmadong sabi ko sa kan'ya at nakatingin naman siya sa'kin.
"Hindi ko rin alam kung pa'no ako napunta sa loob ng kahon eh, pagkagising ko nalang ay nandoon na agad ako." Sabi niya habang tumitingin tingin sa loob ng bahay ko.
"Kung gano'n ay hindi mo alam na nand'yan ka sa box?" Pagkompirmang tanong ko sa kan'ya at tumango naman ito. Mukha namang nagsasabi s'ya nang totoo.
"Saan ka ba naka tira?" Tanong ko saka napabuntong hininga.
"Hindi ko alam." Diretsong sagot niya sa'kin.
"Ha?! Eh paano ka uuwi niyan? Ano? Sa labas ka lang ba matutulog?" Sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya. Parang bigla akong na stress sa babaeng 'to.
"Napaka chismoso mo pala, may ganun pa lang lalake." Napa poker face naman ako sa sinabi niya. Aba loko rin pala toh, ako na nga 'tong concern sa kan'ya tas nag iinarte pa tss.
"Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong ko sa kan'ya dahil kanina pa kami nag ke-kwentuhan dito pero hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niya.
"Ah... tawagin mo nalang akong Sheri." Nag aalangang sagot niya sabay abot ng kan'yang isang kamay.
"Okay, Sheri. Ako nga pala si Kenzo." Pag papakilala ko saka ko siya kinamayan. Nginitian lang niya ko pero may iba 'kong naramdaman, pakiramdam na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman.
"Huy!" Natauhan naman ako sa pagtawag niya.
"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko.
"Tulala ka."
Sheysu's POV
Kakakilala pa lang namin ng lalakeng 'to kanina pero ang gaan na agad ng loob ko sa kan'ya siguro ay dahil madaldal siya.
Bigla ko tuloy naalala si Ally at Owemji na lang talaga at baka kung ano nang nangyare doon.
"Ah ano... alis na ako." Paalam ko at agad nang tumayo.
"Sheri teka, saan ka na n'yan tutuloy? Eh gabi na oh saka delikado na d'yan sa labas. Marami pa namang nagkalat na loko loko dito samin, baka kung mapano ka." Nag aalalang tanong niya sakin.
"Wag kang mag-alala." Sabi ko at ngumiti sa kan'ya.
"Kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko at tuluyan nang umalis doon.
Kenzo's POV
Hahabulin ko pa sana siya kaya nga lang ay biglang nag ring yung cellphone ko.
[Heyu! Kanina ka pa namin hinahanap ah! At hindi mo man lang naisipag tumawag, mag-text or chat. Hindi ka na nga pumasok tapos hindi kapa um-attend ng meeting kanina! Ano bang balak mo sa buhay ha?] Sigaw niya sa kabilang linya kaya inilayo ko ng konti yung cellphone ko.
"So?" pang-aasar ko at siguradong inis na inis na siya.
[Walang hiya ka talaga kahit kelan Mark Kenzo Villanueva! Pumasok ka na bukas kung hindi ako mismo ang susundo at mag lilibing sayo ng buhay!] Sigaw niya saka pinatay ang tawag.
Hay kahit kailan talaga ang sadista ng babaeng yun.
Ako nga pala si Mark Kenzo Villanueva, Kenz for short nalang. Isa kong dancer at may group kami na kilala sa tawag na The Shadow.
∆∆∆