Chapter 11

994 Words
Ally's POV "Hays salamat at bumalik narin 'tong kapangyarihan ko." nakangiting sabi ko sa sarili dahil hindi na ako nakapag pagpasalamat pa kay Shey dahil kaagad itong umalis. Hindi ko alam kung paanong nangyari na natanggal ni Sheysu ang spell na ibinigay sa'kin ni Catrina, dahil sa pagkaka alam ko lahat kami na magka kasama sa gubat ay s'yang tinanggalan ng kapangyarihan. Pero laking gulat ko nalang nang nawala ang panghihina ko kanina at kasabay pa nito ang s'yang pagbalik nang aking kapangyarihan. Sinubukan ko din namang tanungin si Shey pero umalis na s'ya. Sheysu's POV Kaka babalik ko lang Dito sa ECT mula sa Earth. Buti nalang at naka uwi ako ng ligtas. Agad kong hinahanap si Ally at baka kung ano na ang nangyare sa babaeng 'yon. "Ally, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kan'ya. "Ano ka ba naman Shey malamang Hindi." sagot niya naman, kahit kailan talaga 'to hindi na nga siya okay eh namimilosopo pa. "Oo na sabi ko nga eh, naninigurado lang naman ako." sagot ko sabay poker face. "Weh kailan mo sinabi?" napa irap nalang ako bigla. "Joke lang! di ka naman mabiro." sabi niya sabay peace sign. Maya maya pa ay may biglang kumatok sa pintuan kaya binuksan ko ito. "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa babaeng 'to na mukhang tiga higher section. Bigla niya akong tinaasan ng isang kilay niya. "Wala ka talagang galang sa mas nakatataas sa iyo noh." sabi niya at saka ito umirap. "Ano kaba namin? Diyos kaba o magulang namin para igalang?" Mataray na pag singit ni Ally. "Whatever. Eto oh pinabibigay 'to sainyo ni Queen." sabi niya samin sabay hagis ng sulat at saka umalis. At hinagis mo pa talaga ah, kung kotongan ko kaya 'yang ulo mo tss. Diko nalang ito pinansin pa at saka madaling pinulot ang papel. Binuksan ko 'yung sulat at saka ko ito binasa. To all lower section Mamayang 5:00 pm ay may gaganapin na pag pupulong sa south ridge forest at kailangan na dumalo kayong lahat. Bigla akong natawa kaya napatingin sakin si Ally na s'yang nawiwirduhan na sa akin. "Ano bang laman ng sulat na yan at parang natatawa tawa kapa d'yan. Amin na nga, pabasa 'ko tsaka tigilan mo nga yan, ang weird mo." sabi niya at binigay kona sa kanya ang papel at binasa naman niya ito. "Owemji Shey! 'di ba wala naman tayong ginagawang masama sa kanila? ba't kaya nila tayo pinapadalo, saka isa pa ha nakaka pagtaka lang kase ngayon lang nila tayo pinasama sa pag pupulong nila 'di ba." natatarantang sabi niya. "Hoy ang O.A mo naman, hayaan mo na lang sila. Tara na, matulog nalang tayo" aya ko sa kan'ya. Tumango lang siya at pinatay na yung ilaw. Humiga na rin ako sa kama ko at pumikit. Minulat ko ang aking mga mata at saka tumingin sa orasan. 11:30 pm na pala ng gabi pero hindi parin talaga ako nakaka idlip buha't kanina, kaya naisipan kong lumabas na muna sa dorm at mag-ikot sa labas. Ngayon ko lang napansin na nasa harapan na pala ako ng gubat. Mula dito sa labas ay rinig na rinig ko na ang mga alulong galing sa loob nito. Nagsimula na 'kong maglakad papasok sa loob ng gubat. Hindi ako nakakaramdam ng kaba o takot, dahil iba ako-- naiba ako simula nung nag bago ang katauhan ko sa lawa. Napansin kong nag-iba ang kulay ng mata ko. "Anong ginagawa mo dito sa gubat? Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak dito o baka naman sawa kana sa bahay mo?" napatingin ako sa itaas ng puno kung saan nanggaling ang boses at nakita ko siyang naka upo sa sanga habang naka tingin sakin. "Eh Ikaw, ba't ka nandito?" Pabalik Kong tanong sa kanya. "Ako ang unang nag tanong" sabi niya habang naka tingin parin sakin. "Oh tapos?" Aba kahit siya ang king ng ECT ay hindi siya makakaligtas sa katarayan ko, Asa pa s'ya. "Your eyes is weird." sabi niya. "Bakit? Ano bang nangyayare sa mata ko?" Takang tanong ko. "Kanina lang ay red-purple ang mata mo pero ngayon naman ay pink at kumikinang ito. Who are you?" Tanong niya at saka tumalon mula sa itaas ng puno. "I'm Sheysu" pakilala ko. "At saka teka lang, bakit ang lakas mo pa rin? Hindi ba't kinuha na ni Catrina ang kapangyarihan niyo nang pansamantala." nagtataka niyang tanong, BOOM PATAY! "Ahh..ehhh.. Ewan ko rin eh Haha... Sige una na ako." Natataranta kong sabi tapos ay umalis na ako. "WAIT!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Nagulat nalang ako ng may biglang lumitaw na tatlong wolf mula sa aking harapan. "Tsk" biglang sabi ni Josh na nasa tabi kona pala. "Anong gagawin natin?" Tanong ko. "Ang tumakbo, kahit King ako ay hindi ako pwe-pwedeng pumatay ng kahit mga hayop sa gubat ayon sa utos ng Card Master." sabi niya. "WHAT?!" "Takbo na!" Sabi niya at hinila na niya ako. "Hindi mo naman sila papatayin eh pwede mo naman siguro silang patulugin." suggest ko. "Tsk nababaliw kana ba? Paano? Baka nakalimutan mo atang bawal gumamit ng kapangyarihan sa gubat tuwing gabi." sabi niya. OMAYGOSH! "Paano na tayo ngayon?" sabi ko. "Kung hindi ka sana tanga edi sana hindi tayo tumatakbo ngayon." Wow at ako pa talaga yung tanga ha? "Nangyare na eh, Kaya wala kanang magagawa." "WAHH! Pagod Na ako" sabi ko. "Lalabanan ko yung mga wolf tapos ikaw umakyat ka doon sa puno." sabi niya habang nakaturo sa malaking puno. Halatang pagod nadin s'ya dahil namamawis na ito. "Ha? Eh ikaw, paano ka?" "Gawin mo nalang yung sinabi ko." sabi niya saka ito huminto sa pag takbo at hinarap yung mga wolf. Ginawa ko naman yung sinabi niya at madali akong naka-akyat sa puno. Mula dito sa taas ng puno ay kita kong hirap na hirap na si Josh sa paglaban sa mga ito at may ka unting sugat narin ito sa kan'yang katawan. Tinitigan ko yung mga wolf at bumulong ng "death." ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD