Chapter 12

1012 Words
Sheysu's POV "Death." Pagka sabi ko nang salitang iyon ay sa isang iglap lang ay namatay na agad ang tatlong wolf. Kita sa mukha ni Josh ang pagkagulat niya. Agad itong tumingin sa paligid nito na para bang hinahanap kung sino ang gumawa nito sa mga wolf, maya maya pa ay tumingin din s'ya sa aking gawi na may bahid nang pagtataka ang muka, at syempre ako naman ay umakto lang na para bang inosente sa pangyayaring iyon. At mukhang epektib naman. Josh's POV Wala na akong natirirang shuriken dahil nagamit kona ito kanina at wala na akong dalang reserbang pang laban sa mga wolf na ito. Wala na akong ibang paraan kung 'di ang mano mano ko silang labanan. Kung pwede ko lang sanang gamitin ang kapangyarihan ko edi sana kanina pa kami naka alis rito. Sa totoo lang ay pwede ko naman talaga itong gamitin kaya nga lang ay baka tanggalin ako ng Card Master sa pagiging Royals kung susuwayin ko ang patakaran namin, kaya huwag na lang. "Hindi ko na kaya...ang lalakas nila." Sabi ko sa sarili at saka isa pa ay nararamdaman ko narin talaga na nanghihina na ang katawan ko dahil sa sugat na natamo ko kanina. Sa gitna ng laban... Bigla nalang tumaob ang tatlong wolf ng sabay-sabay sa aking harapan at pagka bagsak nila sa lupa ay hindi na ito bumangon pa. Nilingon ko ang paligid para tignan ang dahilan ng kanilang pagbuwal ngunit wala naman akong taong nakita. "Anong nangyare?! Sinong gumawa nito ng hindi ko man lang napapansin at nakikita." Mahinang sabi ko na may bahid ng pagtataka. Napa tingin ako kay Sheysu na hanggang ngayon ay nasa taas parin ng puno at mukha din naman siyang walang alam sa nangyare. Dahan dahan kong nilapitan ang isang wolf upang tignan kung ano ba ang nangyare dito. Nilibot ko ang buong katawan nito at saka ko din tinignan kung may tama ba ito o ano at nakita kong wala naman itong tama kahit isa, ganon narin ang ginawa ko sa dalawang wolf at katulad din nang na una ay wala rin akong nakita. Hindi kaya kagagawan na naman ito ng mga tiga Monggolia Academy? pero hindi eh at kung sakali man na sila nga ang may kagagawan nito ay sigurado parin ako na hindi bibisa sa mga wolf ang kanilang gagamiting mahika. Sheysu's POV Naka hinga na ako ng maluwag ng malaman ko na hindi niya naisip na ako ang s'yang may gawa sa pagkamatay ng mga wolf. Tutal tapos naman na ang laban ay agad na akong tumalon mula sa itaas ng puno para yayain si Josh na bumalik sa Academy at baka mamaya ay malaman pa n'ya ang katotohanan na ako ang gumawa nito . "Tara na dahil malalim na ang gabi, bukas mo nalang imbistigahan yan o kaya naman kung gusto mong magpaiwan ay mauuna na ako sayo." sabi ko. "Hindi na, intayin mo na 'ko at sabay na tayong bumalik." sabi niya at sumilip pa saglit sa wolf. Maya maya pa ay nag simula na kaming mag lakad pa aalis ng gubat. Habang naglalakad kami ay wala man lang nag abalang mag salita sa aming dalawa dahil hindi rin naman kami close. Sa 'di ko malamang dahilan ay bigla ko nalang tuloy naalala ang taong taga lupa. Ano nga ba ulit ang pangalan non, Kervy? Kenny? Ahh! alam ko na Kenzo nga pala. "Hays kailan kaya ulit ako makaka bisita doon sa Earth?" sabi ko sa sarili. Bigla nalang akong nauntog sa matigas na bagay kaya nagising ako sa katotohanan habang naka hawak ako sa noo ko. Nung tinignan ko kung saan ba ako tumama, doon ko napagtantong sa likod pala 'ko ni Josh nauntog, ano ba naman tong lalakeng 'to paharang harang sa daan. "Oh bakit ka ba huminto?" Tanong ko habang hinihilot ang sintido ko. "Eh Ikaw? bat' mo 'ko sinusundan? Hindi ba't sa girls dormitory ang room mo, 'di ko alam na lalake ka na pala." Sabi nito. "Ha? Nababaliw kana ba?" Natatawa kong sabi sa kan'ya. "Ako baliw? Baka ikaw... Look why don't you see for yourself?" Takang taka ako sa pinagsasabi nitong lalake na 'to kaya agad akong lumingon lingon sa paligid at saka napatingin sa sign... Boys Dormitory O__O Sa sobrang kahihiyan ay parang gusto ko nalang lumubog sa lupa. Hindi na ako naki pagtalo pa sa kan'ya at agad na'kong tumalikod at saka nag lakad ng sobrang bilis pa layo sa lugar na 'yon. Bwct! Kasalanan mo 'to Kenzo eh! >_ "-"-"-"-"-" Sa 'di kalayuan ay nakita ko na ang Girls Dormitory. Pumasok na agad ako sa dorm namin at saka ini-lock ang pinto sa kahihiyan. "Ano ba namang katangahan 'yang pinag ga-gagawa mo Shey." Sabi ko sa sarili habang nakapikit at naka sabunot sa sarili kong buhok. Tumayo na ako at inayos ang sarili. Inisip ko nalang na sana ay magka amnesia nalang si Josh para malimutan n'ya ang nangyari. Hays nakakahiya talaga Hmmp. Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan kong mahimbing pa na natutulog si Ally. Napa tingin ako sa orasan at nakitang alas dos na pala ng umaga. Kaya agad nadin akong nagpalit ng damit at saka humiga na ako sa kama ko at nag muni-muni. Kapagod parang ang dami talagang nangyare ngayong araw, una yung kila Ally, pangalawa naman yung pag punta ko sa Earth, pangatlo ay yung magkasama kami ni Josh sa gubat at panghuli ay yung kahihiyan na nagawa ko dahil sa kakaisip sa Kenzo na 'yun. Uunahan kona kayo, para lang alam ninyo. Unang-una sa pinaka una ay hindi ko gusto o type yung Kenzo nayun okay... Sadyang bigla lang talaga s'yang pumasok sa isip ko kaya wag kayong ano d'yan. Sa sobrang pagod ay unti-unti nang napapapikit yung mata ko hanggang sa lamunin na ako ng antok. Josh's POV Tsk that girl hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya like argh! Bakit ko ba siya iniisip?! Tapos yung mata niya kanina ang ganda at yung Labi niya... What the heck Josh?! Ano bang 'yang pinag i-iisip mo? Maka tulog na nga lang. ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD