Sheysu's POV
Pag gising ko ay dumeretso na ako papuntang banyo para maligo. Pagtapos ko ay agad akong nagbihis at saka lumabas ng banyo. Maya maya pa ay bigla kong naalala yung meeting kung saan kami pinapadalo ng Queen doon sa may south ridge forest. Mukhang lagot na naman ako. Hinanap ko agad si Ally at nakita ko ito na nagluluto sa kusina. Umupo ako at saka ko siya tinanong tungkol dito pero ang sabi niya lang sa'kin ay hindi na ito natuloy kahapon dahil wala daw ang King sa pagpupulong.
Sabado na ngayon kaya wala kaming pasok ni Ally at syempre may buong araw pa kami para magrelax at mag gala kung saan man namin gustuhing pumunta. Pinag usapan namin ni Ally kung ano ba'ng gagawin namin ngayon. Napag sang-ayunan namin ni Ally na mag gala nalang dahil wala naman din kaming practice kase nga kinuhanan ang mga kaklase namin ng kapangyarihan.
Ngayon ay pinag uusapan namin kung saan ba kami pupunta. Ang sabi sakin ni Ally ay mag gala nalang kami sa malapit na mall at ang sabi ko naman sa kan'ya ay mag picnic nalang kami sa gubat kase mas relaxing doon tapos mas maganda pa ung mga tanawin kaya pumayag na rin ito at sinimulan na naming igayak yung mga gagamitin sa picnic at dadalhin namin doon sa may gubat.
Lalabas na sana ako sa dorm kaya lang ay biglang nagtakbuhan ang mga ibang babae kaya agad akong napa pasok sa loob. Nung medyo naka layo na sila ay saka lang ulit ako lumabas.
"Kyahhhh" sigaw ng isang babae. Yung iba namang mga babae ay nagtutulakan pa sa sobrang kilig.
"OMG! May magaganap na guardian battle at kasali ang King!" narinig kong sabi nung isang babae.
"Teka, san ba gaganapin 'yang battle na yan?" Tanong ko rito.
"D'yan lang sa may gym." Sagot nito saka excited na umalis.
"Tara shey punta tayo." Pag aya sa'kin ni Ally. Aangal sana ako kaya lang ay nahila na niya ako papunta sa gym.
*-"-"-"-*
Sa entrace palang ng gym ay makikita mo na ang mga kalahok sa paligsahan na kasama ang mga guardian nito, at mukhang nagsisimula na ata. Pagpasok namin ay agad na bumungad ang dami nang tao sa gym, wow ang daming pumunta. Mapa bata man, estudyante, guro at matatanda ay nag sidalo parin sila dito. Makikita mo sa mukha nila ang pagka tuwa at pag hanga sa mga pambato nila.Hinatak na ako ni Ally para makalapit sa iba saka nya kinalabit ang isang babae.
"Hi miss, pwedeng magtanong? kanina paba nagsisimula yung laban o ngayon ngayon lang?" Narinig kong tanong ni Ally doon sa babae.
"Ahh oo kanina pa nagsisimula ung battle at ang next nang laban doon ay ang King." sagot naman nung babae na parang kinikilig pa.
Maya maya pa ay nakita na namin yung Emcee na umakyat sa stage para sabihin ang susunod na maglalaban.
"King vs. Zerus!" Sabi nung Emcee na nasa stage, kasabay nang pag anunsyo nito ang s'yang hiyawan ng mga manunuod sa loob. Grabe ang ingay, nakakabingi.
Teka lang tama ba yung rinig ko? ano daw? Zerus?? Nakipag gitgitan pa ako sa mga tao para lang makita yung Zerus. Nung nakita ko ay nagulat nalang talaga ako, tama nga ako. OMG! SI INSAN NGA! Anong ginagawa niya dito? Akala koba sa Raistlin Academy siya.
Pagpasok nila ay agad na nilang pinalabas ang kanilang mga guardian at grabe hanggang ngayon ay ang cute parin talaga ni Chiko, guardian ni insan. Si Chiko ay isang maliit na wolf pero pag nagalit ay nagiging malaki ito. Kaya kung ako sa'yo ay huwag mo nalang s'yang galitin. Ang guardian naman na ipinang laban ni Josh kay Chiko ay si Jay na isa ding wolf.
*DING / *DING / *DING
Malakas na tunog ng bell, tanda na simula na ang laban. Ang unang umatake ay si Chiko at si Jay naman ay umatake nadin. Si Josh at Zerus naman ay nanatiling kalmado at cool lang sa pwesto nila habang pina nunuod nila ang kanilang mga guardian. Nag sakmalan silang pareho at wow para silang tao kung makipag away.
Hanggang sa matapos na ang laban...
Inannounce na ng Emcee ang panalo sa laban at parehas lang silang nanalo pagka tapos non ay nagsigawan naman ang mga babae sa gym. Yung ibang mga babae naman ay kinikilig kay insan.
"Ang gwapo naman nung guy."
"Grabe ang cool ng guardian niya."
Hindi pa tapos ang battle kaya nag intay pa kami. Lumipas na ang labing limang minuto pero wala paring anunsyo mula sa Emcee.
"Hays ang tagal naman magsimula, nababagot nako dito. Kanina pa tayo nag iintay pero wala paring nag lalaban." Narinig kong sabi ni Ally.
"Ano kayang nangyare?" Sabi ko.
Maya maya pa ay umakyat na ito sa stage at nagsimula nang mag salita ang Emcee.
"Salamat sa inyong pag hihintay at pasensya narin sa lahat ng manonood ngunit nagkaroon tayo ng ka unting komplikasyon sa ating laban dahil bigla nalang pong nag back out ang ating susunod na kalahok." Sabi nito na s'yang dahilan kung bakit nagsimulang magbulungan ang mga tao sa gym.
"Hala paano nayan?"
"Baka di pa matuloy ang laban, sayang naman ang pag punta ko rito."
"Huwag kayong mabahala dahil tuloy parin ang paligsahan, pero kinakailangan namin ng bagong kalahok. Sino sa inyo ang gustong pumalit bilang manlalaro?" Tanong nito sabay lingon sa kaliwa at kanan ngunit walang sumagot.
"Sa ngayon ay bibigyan pa namin kayo nang oras, siguro naman ay sapat na ang limang minuto para mapag isipan niyo ang aming alok. Kapag napas'yahan nyo nang sumali ay pumunta nalang kayo dito sa akin at magpalista. " Sabi nung Emcee at saka bumaba na sa stage.
Bigla akong naka isip ng ideya, agad kong sinuot yung cap at jacket na nilagay ko kanina sa bag ko. Dahan-dahan akong umalis ng hindi nagpapaalam kay Ally at saka para hindi niya nadin malaman na sasali ako sa battle. Tsaka sigurado naman ako na hindi niya na ito mapapansin dahil sa sobrang dami nang tao dito sa gym.
Agad akong nakipagsiksikan sa mga tao at saka madaling pumunta sa Emcee at saka sinabing ako na ang papalit.
"Okay na tayo guys, meron ng kapalit." Sabi ng Emcee habang naka ngiti sa mga kasamahan nito.
"What's your name?" Tanong nung Emcee.
"Amh Niña" yun ang sinabi ko at agad n'ya naman 'tong inilista. Umakyat na ulit ito sa stage.
"Susunod na laban! Celine vs. Niña!" Anunsyo ng Emcee at nag sigawan na ang mga tao.
Tumingin pa ako sa paligid at saka napa tingin sa gawi ni Zerus at halatang nagulat ito nang marinig ang pangalang 'yun.
Ang pangalang Niña ay ipinangalan niya sakin dahil gusto niya lang daw pero sinabi naman n'ya sakin na may kahulugan daw 'yun.
"Pumasok kana, kayo na ang susunod na maglalaban." Bulong sakin ng isa pang organizer ng laban.
"Kayang kaya mo yan." Sabi ko sa sarili.
Okay this is it....
∆∆∆