Sheysu's POV
"Sino kaya siya?" Takang tanong nang babae sa katabi nito habang naka titig ito sa'kin.
"Siguradong matatalo yan." Dagdag pa nung isa.
"Ang galing kaya ni Celine lumaban at saka tignan niyo naman yung girl, outfit palang talong talo na Hahhahaha" sabi pa nung isang babae.
Dahil sa sobrang pagka irita ko ay napatingin ako sa kan'ya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hoy Ate, kung makalait lait ka din sa outfit ko noh wagas. Eh ikaw nga ang dyologs dyologs mo, kulay pink pa shorts mo. Ano ka si Barbie? Barbielat?? Mas mukhang ka pangang pangit kesa sa outfit ko ngayon eh saka 'wag ka ngang paki alamera d'yan. May kan'ya kan'ya tayong taste noh." Inis kong sabi sa aking isipan. Pasalamat ka at mabait ako, nakaka stress kayo Hays.
Hindi ko alam na naka salalay na pala sa outfit ang sukat ng galing ng mga kalahok dito sa battle, tignan lang natin mamaya kung iidolohin nyo pa 'yang Celine na yan dahil sigurado naman ako na saglit lang matatapos ang laban mamaya.
Patuloy parin na nag bubulungan ang mga ilan pero hindi ko nalang sila pinansin pa at saka nalang ako nag concentrate dahil mag sisimula na ang laban namin ni Celine.
Maya maya pa ay pumunta na ako sa gitna ng court, ganoon narin ang ginawa nito mula sa kabilang side. Pagtungtong nito sa court ay mas lalong lumakas ang sigawan kaya napa tingin ako sa makakalaban kong si Celine.
Hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon nalang ang paghanga ng madla sa kaniya. Si Celine ay kilalang kilala na dito sa ECT, kumbaga isa siya sa mga famous na estudyante rito. Ito ang pang Lima sa Sampong pinaka malalakas na estudyante dito sa academy at isa pa ay nabalitaan ko rin na sobrang sipsip din nito lalo na sa mga Royals.
*DING / *DING / *DING
Tunog nang bell na s'yang hudyat na simula na ang laban.
Maya maya pa ay pinalabas na ni Celine ang alaga niyang agila at ang napili ko naman na ipang laban dito ay si Max. Bago ko pa tuluyang pinalabas si Max ay sinigurado ko muna na hindi siya makikilala nang iba, kaya inayusan ko lang siya ng konti at saka pinalabas.
Ang unang umatake ay si Max pero agad rin itong naiwasan nung guardian ni Celine. Sunod namang sumugod ay ang kalaban. Agad n'yang pina ikutan si Max at saka n'ya ito pina tamaan ng kanyang spike na lumabas mula sa pakpak nito. Hindi agad naka iwas si Max kaya naman ay natamaan ito sa bandang tagiliran. Napa tingin ako kay Celine at nakitang naka ngisi na ito sa'kin.
"Huwag kang magpa kampante Celine dahil hindi pa tapos ang laban." Mahina kong sabi habang naka titig rito at saka itinuon ang sarili sa laban.
"Max kaya mo 'yan." sabi ko sa aking guardian gamit ang isip ko. Agad na hinabol ni Max ang agila at saka ito tumalon, nung mahuli na n'ya ito ay agad niya itong kinagat sa leeg kaya ako naman ang napa ngisi samantalang si Celine naman ay mukhang naiinis na.
Nakita kong nang hihina na at hindi na kayang lumaban pa nung guardian ni Celine dahil sa lalalim ng sugat na natamo nito at tama nga ako dahil...
"The winner is Niña!" Sabi ng Emcee at agad namang nag hiyawan ang mga tao.
Zerus's POV
Kakatapos lang nang laban namin ni Josh at ang naging resulta ay tabla. Hindi naman na rin ako nag gulat sa naging resulta dahil ang ganda nang laban kanina at ang lakas din nang gurdian n'ya.
Matapos ang laban ay agad kong inayos ang aking mga gamit at maya maya pa ay narinig kong nagkakagulo ang mga manunuod dahil may umatras daw na manlalaro kaya baka hindi na matuloy ang laban.
"Hays palista kase palista mga takot naman pala." Mahina kong sabi.
Tinuloy ko nalang ang pag liligpit at wala pang limang minuto ay biglang natahimik ang madla kaya napa tingin ako sa stage at doon nakita ang Emcee at mukhang naka hanap na ito nang kapalit na manlalaro.
"Celine v.s. Niña!" Sabi nito at nag simula ang hiyawan nang mga tao. Lumapit pa ako papunta sa court para lang makita ang mag lalaban pero nagulat nalang ako nang makita yung Niña. Si insan yun ahh?
Hindi ko na s'ya nagawang maka usap dahil dumretso na s'ya sa loob para lumaban. Nilabas na niya ang guardian n'ya at napa ngiti ako dahil ang cute nang wolf na 'to pero nung nagsimula na ang laban ay doon ako mas nagulat dahil sa kabila nang maamo nitong mukha ay s'ya palang pagka bangis nito.
Hindi nagtagal at agad ng natapos ang laban, syempre panalo si insan. Tsk kahit kailan talaga yung babaeng yun ang hilig maki paglaban. Pupuntahan kona sana siya kaya lang ay biglang humarang yung mga babae sa harap ko. Gamit ang kapangyarihan kong tumakbo nang mabilis ay nagawa kong makatakas sa mga ito.
Nung makalapit na ako sa kan'ya ay agad ko siyang inakbayan dahilan para magulat siya.
"Yo!" Masaya kong bati ko sa kanya.
"Wag tayo dito mag-usap. Doon tayo sa labas" sabi niya at agad akong hinila palabas ng gym.
"-"-"-"
Bigla niya akong piningot dahilan para mapa aray ako sa sakit. Ang sadista talaga netong babaeng 'to.
"Anong ginagawa mo dito? Tsaka paano ka nakasali sa laban eh para sa mga students lang ito nang ECT?" Tanong niya na para bang mas matanda pa siya sa akin.
"Bawal sumali? Eh ikaw nga sumali karin naman doon ah, saka pwede naman talaga akong sumali dito." Sagot ko habang naka pamewang.
"Anong pwede? Bawal nga 'di ba." Naiinis nitong sabi.
"Dito nako nag-aaral noh." irita kong sagot at s'ya naman ay napa hinto pa.
"Ha?? At bakit?" Taas kilay niyang sabi.
"Anong bakit ka d'yan? Bakit bawal?? Pake mo ba?" Sunod sunod kong sagot kaya bigla niya akong binatukan.
"Aray! Sobra mo naman ata akong na miss, nakakamatay." Natatawang sabi ko kaya naman ay nginitian niya ako.
"Oh anong section ka?" Tanong niya.
"Higher section" sagot ko at bigla siyang napa poker face.
Ang moody talaga ng babaeng to.
"Eh Ikaw?" Tanong ko.
"Lower" sagot niya kaya bigla akong natawa. Kaya naman pala napa poker face eh Hahah
"Bakit ka naman tumatawa?" Mataray na tanong niya.
"Kase mas matalino ako sayo." Naka ngiting sabi ko at saka ginulo ang buhok n'ya.
Magsasalita pa sana ako kaya lang ay may biglang nag salitang lalake.
"Sino yang kausap mo Sheysu?"
∆∆∆