*DREAM
"Sino yang kausap mo Sheysu?"
Sheysu's POV
Yun ang mga huling salita na narinig ko bago ako tuluyang nagising sa pagkaka tulog. Agad akong napa bangon mula sa higaan ko. Panaginip lang pala, Akala ko totoo na.
Nag isip pa muna ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagugulo ang aking isipan. Ang gara nang panaginip ko, feeling ko tuloy lahat nang napana-ginipan ko tulad nalang nung naging laban namin ni Celine ay parang nangyare talaga sa totoong buhay. Tapos ay nakita kopa ang pinsan kong si Zerus doon, ang weird 'di ba? Ano kayang ibig sabihin nun? Saka sino kaya yung lalake na tumawag sakin doon? Sayang at hindi ko man lang nakita ang muka niya dahil nagising kaagad ako.
Nag inat-inat pa ako para tuluyang magising ang diwa ko at saka tumayo para magtiklop ng higaan at saka para gumayak narin dahil anong oras na din ako nagising mag ala siyete na nang umaga.
"Ang aga yatang nagising ni Ally ngayon?" Taka kong sabi nang makitang wala na ito sa kan'yang kama. Kadalasan kasi ay ako ang s'yang na u-unang magising. Agad na akong lumabas ng kwarto para hanapin si Ally.
"Good morning Shey! Tara mag gala tayo sa mall." Excited na pag aya sa 'kin ni Ally.
"Mag picnic nalang tayo sa gubat para maiba tsaka mas relaxing doon saka mas maganda ang tanawin." sabi ko sa kanya at pumayag naman siya.
Teka... Eto yung nangyare sa panaginip ko ah.
"Hoy! Ayos ka lang ba? Bat' natulala ka?" Sabi nito habang niyuyogyog ako.
"A-ah wala ayos lang ako hahha, anong araw na ba ngayon?" Sabi ko.
"Sabado. Bakit?" Sagot niya.
SABADO??!!
O_O
"Ahh wala nakalimutan ko lang." Palusot kong sabi. Sabi na nga ba at nangyare na ito eh.
"Ano tara na sa gubat." bigla akong napa harap Kay Ally at nakita Kong may dala na siyang basket.
"Haa? Ang bilis mo naman, nakapag ready kana nun? Yung totoo Ally?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya.
"Oo nga, kaya tara na." hinila niya na ako pero pinigilan ko siya.
"Tekaa maliligo pa ako noh." Sabi ko.
"Wag ka nang maligo! Pwede naman tayong maligo doon sa may lawa eh. Bilis tara na!" Sabi niya at hinila niya ako pero pinigilan ko ulit s'ya dahil mukhang alam ko na ang sunod na mangyayare.
Nakatitig lang sa 'kin si Ally, takang taka na siguro kung ano bang pinag gagawa ko buhay. Lumipas na ang limang minuto pero 'di parin dumadaan yung mga babae na nagsisigawan. Bakit kaya? Ano ba talaga ang nangyayare?
"Hoy! Alam mo kanina kapa gan'yan. Sure ka bang okay ka lang? Nag aalalang tanong nito.
"Oo, Ok lang ako." Sabi ko at saka ngumiti.
"Sigurado ka ahh, Osigi tara na sa gubat." Masaya nitong sabi at agad akong hinila papalabas ng dorm.
Nakaka pagtaka talaga, bigla kong inaalala yung panaginip ko kanina. Parehas na parehas lang lahat ng nangyare simula nung inaya ako ni Ally pero ang nakakapag taka lang ay wala yung scene kung saan nag takbuhan yung mga babae doon sa may hallway. Ano kayang nangyare?
Doon ulit kami dumaan sa likod ng school at mabilis din kaming naka punta sa gubat dahil wala pa dito ung mga nag babantay dahil kumakain pa ito.
Agad na kaming pumunta ni Ally sa lawa. Natatawa nalang ako sa kan'ya dahil habang nag lalakad s'ya ay sumasayaw pa ito. Hyper ka ses?
Pagka dating namin sa lawa ay agad naman na hinanda ni Ally ang sapin na pang latag sa damuhan tapos ako naman ang s'yang nag ayos ng mga pagkain namin. Maya maya pa ay inaya niya ako sa kan'yang tabi kaya naman umupo nadin ako. Tutal busog pa naman daw si Ally, ako nalang ang kumain sa ibang dala naming pagkain dahil hindi rin naman ako naka kain kanina nang umagahan at saka baka masayang yung pagkain noh.
Kwento lang ng kwento si Ally hanggang sa maka rinig kami ng malakas na pag sabog sa hindi kalayuan kaya agad kaming napatayo ni Ally. Tinignan ko kung saan nang galing yung pag sabog at nakita kong galing ito sa Enchanted Academy.
"OMG! Anong nangyare?" Natatarantang tanong niya.
"Bumalik na tayo sa school!" Sabi ko at nag simula na kaming tumakbo.
"-"-"-"
Pag dating namin sa ECT Academy ay sinalubong kami ng makapal na usok kaya naman ay napa ubo ako.
"Ano kayang nangyare?" Sabi ko habang naka takip ang ilong at bibig.
Pumasok pa kami sa loob para tignan ang nangyari at saka namin nakita ang ilang parte nang Academy ngayon ay nag aapoy na.
*BOOOOOMM
Teka ano yung ingay na 'yon?
Sinundan ko kung saan nang galing ang ingay na 'yon at doon ko nakita sa gitna nang school na may kalaban si Josh at Aya, yung mga ibang estudyante naman ay nanunuod lang dahil ayaw madamay, may mga iba na gustong umawat sa kanila kaya lang ay hindi sila makalapit dahil may kung anong harang na pumipigil sa kanila at maari itong spell mula sa mga kalaban. Ang Queen at Prince naman ay wala nang malay ngayon at naka higa na sila damuhan.
"Patay na ang Card Master! At sa wakas ay mapapasaamin din ang Academy nato hahaha!" Sabi nung babaeng kalaban ni Aya.
"Hindi pa siya Patay!" sigaw sa kanya ni Aya.
"Patay na siya! Bakit ba ayaw niyong maniwala? Namatay siya dahil sa sarili niyang katangahan!" sabi nito na parang nababaliw na.
"Kung ako sa inyo... hangga't maaga pa ay tanggapin niyo na ang katotohanan na talo na kayo. Magiging amin din ang lugar na 'to at magiging alipin namin kayong lahat. Oh di ba ang saya!" sabi naman nung lalakeng kalaban ni Josh.
"Mga mahihina! Kagaya lang kayo ng Card Master niyong lampa!" Sabay tawa nito.
Bigla kong naikuyom ang palad ko dahil sa galit. Ang ayoko sa lahat ay yung minamaliit ako.
"Manahimik ka! " sigaw sa kan'ya ni Aya na may kasamang suntok.
"Kagaya lang siya ng mga magulang niya haha pare parehas na mga walang kwenta."
Biglang nag dilim ang paningin ko dahil sa mga sinabi niya. Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung dinadamay pati ang Magulang ko.
"Humanda kayo."
∆∆∆