Sheysu's POV
"Humanda kayo."
Bigla akong napa pikit dahil sa mga ala ala ko na siyang huling inahabilin sa akin nang aking mga magulang .
"Anak gusto ko na mangako ka sa amin nang Papa mo." Nanghihinang sabi sakin ni Mama.
"Ano po iyon Ma?" Taka kong tanong.
"Anak hangga't maari ay gusto namin nang papa mo na isikreto mo muna ang pagiging Card Master mo, para din naman ito sa kapakanan mo anak. Hindi kami makakapayag na saktan ka din nila anak, kaya hangga't maari ay ayaw namin na malaman nila na Ikaw ang Card Master dahil mapapahamak ka lang."
Dahil sa matindi kong nadarama, kasabay ng pag dilat ko ay ang siyang pagka hati din nang lupa at ang pag hangin nang malakas.
"Shey, Anong nangyayare?" Agad na tanong sa 'kin ni Ally habang naka kapit dahil sa lakas nang hangin. Hindi ko na ito sinagot pa dahil sa sobrang galit ko sa mga tiga Monggolia.
Gusto ko silang parusahan hanggang sa magdusa sila sa lahat nang sinabi nila patungkol sa 'kin at sa magulang ko. Pero hindi ko kaya, 'di dahil sa takot ako. Hindi ko magawa dahil nangako ako kila mama at papa na issekreto ko muna ang pagiging Card Master ko at ayokong sirain ang pangakong 'yon.
Maya maya pa...
Nagising ako sa pagka galit at nagulat nang biglang tumigil ang lahat ng bagay at tao sa paligid na para bang huminto ang oras. Teka, Iisa lang ang kilala kong may kagagawan nito... Hindi ako pe-pwedeng mag kamali dahil s'ya lang ang kilala kong may kapangyarihan na ganito dito sa loob nang realm.
"Long time no see, Card Master." Ang boses na 'yun ay hinding-hindi ko makakalimutan. Agad akong napa harap sa kan'ya at tama nga ang hinala ko.
"Coen..."
"Kamusta ka" sabi nito habang naka ngiti.
"Ayos lang" maikli kong tugon dahil 'di ko alam ang isasagot ko sa kan'ya.
"Hindi ako nag-iisa, may kasama ko." sabi n'ya kaya napa kunot ang noo ko saka napa lingon sa likuran n'ya. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Si Zerus...
"Hi insan!" bigla nalang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang boses niya.
Lumapit s'ya sakin at agad akong niyakap. Akala ko talaga ay hindi kana babalik, Zerus.
"Tahan na insan, nandito na ako." Pag papatahan niya sa akin.
"Ang akala ko ay hindi kana muling babalik pa dito." Mahina kong sabi sa kan'ya habang humihikbi.
"Na miss niyo talaga ang isa't-isa ah" sabi ni Coen habang pinag mamasdan ang pangyayare dito sa Academy. Maya maya pa ay bumitaw na kami sa pag kakayakap. Nag simula na silang umusisa hanggang sa lumakad pa sila palayo para maka lapit at makita nang mabuti ang mga naglalaban na ngayon ay naka hinto na.
"Anong nangyare dito?" Tanong ni Zerus habang nakaturo sa kaguluhan na nakikita nito sa kan'yang paligid.
"Habang nasa gubat kami ni Ally para magpicnic ay bigla nalang kaming nakarinig nang pag sabog at nakita kong galing ito dito sa ECT Academy kaya agad kaming pumunta dito, tapos naabutan nalang namin na sumugod dito ang dalawang estudyante na tiga Monggolia at bigla nalang silang nang gulo dito. Sabi pa nila ay sasakupin na nila ang buong ECT Academy kasama narin ang mga tao dito upang gawin silang alila." Paliwanag ko.
"Ang lalakas din pala nang loob netong dalawa para manggulo dito sa inyo, Hindi man lang natakot." tatawa tawa pang sabi ni Zerus na may halong pagka inis.
Akala siguro nila ay papayag nalang ako nang ganon ganon lang, masyado nila akong minamaliit at masyado din silang kampante na manakop at manakot nang mga tao dito sa ECT dahil sa pagkaka alam nila ay patay na ako. Pwes d'yan sila nagka mali dahil ang akala n'yong na sa ilalim na nang hukay ay naririto sa harap n'yo na s'yang buhay na buhay. Tignan lang natin kung sino sa huli ang magiging alila.
"Ako nang bahala." sabi ni Coen tapos ay may bigla siyang ginawang spell. Akala ko naman ay makakaganti ako dito sa dalawa, hindi pala.
"Pag bumalik na ulit ang oras ay mawawala na sila." Dagdag pa nito.
"Niña, kaya mo ba dito nang mag isa? Wala bang nang-aaway sayo dito?" Tanong niya. Bigla akong napa ngiti nang tawagin niya ulit ako sa pangalang 'yon, antagal narin kasi nung huli ko itong marining mula sa kan'ya.
"Kaya kona dito saka ano kaba malaki nako noh, kaya kona ang sarili ko." Sabi ko kaya natawa kaming pareho.
"Limang minuto nalang ang natitirang oras at babalik na ang sa lahat ang dati." Sabi ni Coen.
"Sige" sagot ni Zerus Kay Coen.
"Sorry insan kung iniwan kita dito na mag-isa. Alam mo naman na gusto kitang samahan dito kaso sila mama kasi hindi pumayag na dito ako mag aral. Kung pumayag lang sana sila edi sana nababantayan kita dito nang mabuti at saka sana ay may nakaka sama ka dito kahit pa-paano. " Sabi niya at makikita mo talaga na seryoso ito sa kanyang mga sinabi kaya nalungkot rin ako para sa kan'ya.
"Ano kaba 'di mo na kailangan pang magpaliwanag, saka okay lang noh alam ko naman na sinunod mo lang sila. Huwag ka nadin mag alala kasi may nakakasama naman ako, si Ally." sagot ko at saka ngumiti para 'di na s'ya mag alala.
"Insan bumalik ka dito ah" pahabol kong sabi.
"Oo babalikan kita dito, basta ingatan mo muna ang sarili mo hangga't wala ako." Paala n'ya pa kaya naman tumango ako.
"Zerus, Tara na." Pag aya sa kan'ya ni Coen
"Mag-iingat kayo." Sabi ko at saka n'ya ako sinuklian nang matamis na ngiti.
"Ikaw din Card Master, mag-iingat ka rin dito." sabi din sakin ni Coen at tuluyan na silang nawala kasabay ng pag balik ng oras.
Nang bumalik na ang oras ay tama nga ang sinabi nitong si Coen, nawala na dito yung mga tiga Monggolia na babae at lalake kanina.
Hindi man natuloy ang pangyayare tungkol sa laban namin ni Celine, masaya parin ako dahil atleast nangyare naman na naka sama ko ulit ang pinsan kong si Zerus kahit sa saglit na oras lang. Bigla ko tuloy naalala si Coen.
Hayst Coen wala kapa ring ipinag bago. Kamusta kana kaya? Hindi ko man lang natanong kanina kung ayos ka lang ba dahil kasama mo si Insan. Naka move on kana kaya?
∆∆∆