Chapter 17

1009 Words
Sheysu's POV Nagising ako sa katotohanan nang makita kong nagka roon na nang malay si Ally... "s**t! Ang sakit nang ulo ko." Sabi nito habang hinihilot ang kaniyang sintido. Kaya naman ay nilapitan ko na kaagad siya. "Ayos ka lang ba Ally?" Tanong ko dito. "Ha?? Ayos lang ako, medyo nahihilo lang." "Anong nangyare? Saka bakit tayo nandito, 'di ba nasa gubat tayo kanina? Bakit tayo napunta dito?" Sunod-sunod na tanong ni Ally. Baka dahil sa ginawang spell ni Coen nang pagbabalik n'ya nang oras ay baka na apektuhan ang memorya nang iba pang mga estudyante katulad ni Ally. Bigla akong napa isip sa mga tanong ni Ally sa akin pero hindi ko rin alam kung paano ko ieexplain sa kan'ya ang nangyare kanina kaya inaya ko nalang s'ya sa gubat at agad nang hinila paalis. "A-ah wala may binalikan lang tayo dito kanina ano kaba, Tara na ulit sa gubat." Palusot na pag aya ko kay Ally. "-"-"-"-" Maka lipas ang isang linggo... Nasa gym na kaming lahat ngayon dahil may ia-announce daw ang principal ng school at isa pa bumalik na din sa dati nilang lakas yung mga kaklase ko dahil ibinalik na daw ulit ni Catrina ang mga kapangyarihan nila, malakas na ulit sila kaya naman kahapon palang ay nakapag simula na ulit kaming mag practice para sa gaganaping laban. Sa 'di kalayuan ay nakita ko nang naglalakad paakyat nang stage si Aya at kasama na din niya ang principal. Mukhang magsisimula na kaya naman ay biglang napa tahimik ang mga ibang estudyante at nagsimulang makinig sa announcement. "Good morning everyone!" Bati ni Aya kaya binati din namin siya pabalik. "Mukhang excited na excited na kayoo ahh!" Sabi nito dahil nag iingay na ulit ang ibang mga students. Maya maya pa ay binigay na niya sa principal ang mic. "Magandang Umaga sa inyong lahat students! Ipinatawag ko kayong lahat para i -anunsyo na paparating na ang nalalapit n'yong laban sa pagitan nang mga higher section at nang mga lower section. Gusto ko lang sabihin na magaganap na ito sa susunod na linggo, kaya students please be ready. May isang linggo nalang kayo para mag practice kaya naman pagbutihan n'yo ang pag eensayo." sabi nang principal tapos ay umalis na ito. Maya maya pa ay bigla na namang nagsalita ang mga tiga higher section na sila daw ang mananalo, tss ang ka-kapal ng mukha. Hindi nalang namin sila pinansin pa at agad na kaming pumunta sa classroom namin para doon mag practice. "Nakakainis yung mga tiga higher section na 'yan ang lalaki nang ulo nila, grr tapos ang yayabang pa akala mo naman kung sinong magaling." sabi nang isa naming kaklase. "Tama na nga yan! Wala tayong mapapala sa mga 'yon kung magpapalamon lang tayo sa inis, kaya tumayo na kayo d'yan at simulan na nating mag practice. Ganito guys, bali 1 vs. 1 ang magiging laban." sabi ni Alexa sa mga kaklase namin. "Mauna kana Ally tutal Ikaw lang naman ang naka upo diyan. Ally vs. Ken" "Hala bakit ako? Madami namang iba d'yan ahh" angal na sabi ni Ken. "Wag na puro satsat, Ano ba? gusto n'yo bang pa tengga tengga nalang? Mag simula na tayo." sabi ni Alexa. Pumwesto naman na kaagad sa gitna sila Ken at Ally. Agad na pinalutang ni Ally ang isang upuan at saka ito itinapon nang mabalis sa gawi ni Ken. Nailagan naman ito ni Ken dahil ang kapangyarihan nito ay ang pagiging mabilis. Maya maya pa ay nag tungo naman si Ken palapit kay Ally, habang naka-ready na ang kamao nito para atakihin si Ally sa bandang tiyan. Nakita agad ito ni Ally kaya naman pina lutang n'ya ulit yung upuan na hindi tumama kay Ken kanina at saka pinatama nang mabilis sa gawi nito. Natamaan naman si Ken at napamura sa sakit. Namangha naman ang ilan dahil nag i-improve na si Ally at medyo malakas na ang kapangyarihan na ipapakita niya ngayon sa amin. Nang makabawi si Ken sa sakit ay inikutan niya si Ally at saka agad itong inatake sa likod. Halata naman sa expression ni Ally na masakit ang ginawang pag atake ni Ken. "Go Ally! Kaya mo yan!" Pag cheer ko sa kan'ya at naki-cheer na rin ang iba kong kaklase sa laban nila. Nagsimula na ulit umatake si Ally, sinusubukan n'ya ngayong palutangin ang malaking bato. Nang makita ito ni Ken ay agad siyang tumakbo papunta kay Ally saka n'ya inatake ang batok nito na naging dahilan ng biglang pagkatulog niya. Napabuntong hininga naman ako. Mukhang hindi pa kaya ni Ally ang malalaki at mabibigat na bagay. Kailangan niya pang mag practice ng maigi. Natuwa naman ako dahil mukhang ngang naka tulong sa amin ang pagpapractice, napansin ko rin na lumakas din ang iba ko pang mga kaklase sa ipinapakita nilang laban. "Good job, dapat gan'yan din ang ipakita n'yong lakas kapag kaharap nyo na ang mga tiga higher section. Next na laban! Sheysu vs. Rika." sabi niya. Imbis na magreklamo ay agad nalang akong pumunta sa gitna, ganon na rin ang ginawa ni Rika. Naisipan ko na gamitin yung illusion kong kapangyarihan. Nang humudyat na si Alexa na simula na ang labay ay agad kong tinignan si Rika sa kan'yang mga mata, nagtitigan lang kami. Nang makalipas ang sampong minuto ay bigla na s'yang bumagsak. Ang ginawa ko kasi ay gumawa ako nang mga nakakatakot na illusion dahil alam kong matatakutin ito at mukhang gumana naman ang plano ko. "Anong nangyare?" Tanong nila tapos sabay sabay silang napa tingin sa akin. "Ewan ko, nakita niyo naman 'di ba? Nagtitigan lang kami." Simpleng sabi ko. Guys kahit konting common sense naman. Third Person's POV Sa hindi kalayuan ay may naka itim na lalake na s'yang nagmamasid sa laban ng kanilang section. "Kakaiba ang kapangyarihan nang isang 'to, may potential siya." Nasabi nalang niya habang naka titig kay Sheysu. "Hmm... Illusion." "Mukhang malakas siya dahil napatumba niya kaagad 'yung babaeng yun sa loob lang nang sampong minuto. Pwede ko s'yang dalhin sa Monggolia para doon mag-aral." Nakangising sabi nito at agad na umalis. ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD