Chapter 18

1004 Words
Kenzo's POV Ilang araw ang nakalipas... Nandito ako ngayon sa school namin at nasa last subject na kami ngayon. Syempre wala na naman kaming ginagawa dahil time na ni Sir. Gomez. Hindi naman na ako nagtataka kung bakit, dahil lagi naman s'yang ganito, papasok lang at saka magpapa attendance. Mag iiwan lang saglit nang activity at saka aalis na. Natapos ko naman na din yung activity kaagad dahil madali lang naman kaya ayun wala na akong ginagawa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong naalala si Sheri. Simula kasi nang umalis ito sa bahay ay hindi na ako mapakali sa kaka isip sa kan'ya. "Hoy Kenzo!" Pagtawag sa 'kin nang kaibigan ko na si Jay at agad naman akong nanumbalik sa reyalidad. "Bakit?" Tanong ko sa kan'ya. "Napapansin kong araw-araw ka nalang tulala d'yan, may problema ka ba pre?" Tanong niya at mukhang nag-aalala pa sa 'kin 'tong mokong na 'to. Na bading na yata sa akin HHAHA "Wala." Maikling sagot ko at saka napa buntong hininga. "Sigurado ka haa? Magsabi ka lang kung may kailangan ka at baka makatulong ako sayo." Dagdag pa nito. "Oo sigurado ako, ayos lang ako pre hahhaha" sabi ko at saka ngumiti. "Umuwi kana lang kaya muna tutal wala naman na tayong gagawin at sabi naman ni Sir na free time na pagka tapos nating gawin yung activity." Sabi niya at mukhang maganda nga yung naisip n'ya kaya naman kinuha ko yung activity ko at saka binigay sa kaniya. Tumayo na ako at nag paalam kay Jay. "Pre paki pasa nalang kay Sir ahhh. Sigi mauuna nako Jay, salamat pre ahhh. Pag hinanap ako ni Sir ikaw na bahalang mag paliwanag, alis na 'ko." Sabi ko at agad nang lumabas sa room. Wala din naman akong gana ngayon kaya mas mabuting na nga lang siguro na umuwi na lang muna ako. Pagkababa ko sa floor namin ay nakita ko na agad ang mga fangirls ko. Bigla naman akong nagpanic kaya napatakbo ako bigla nang mabilis paalis ng school. Nang maka punta na ako sa parking lot ay nag tungo na agad ako sa kotse ko saka ako nagdrive paalis. Habang nasa byahe ako ay naiisip ko pa rin si Sheri. Feeling ko kase ay isa siyang malaking misteryo para sa 'kin. Pagkalipas ng ilang minuto ay naka uwi na 'ko. Pumunta na agad ako sa kwarto ko at saka doon humiga. Pagka pikit ko nang mga mata ko ay naiisip ko pa rin siya. Aishhh! Bakit ba para akong ginayuma na ewan. "Hayst! Bakit ko ba kasi siya naiisip?" Inis na tanong ko sa sarili ko saka ako gumulong gulong sa kama hanggang sa hindi ko namalayan na nahulog pala 'ko. "Aray!" Daing ko at saka humiga ulit sa kama. "Sheri! Nakakabanas kana ah!" Nasabi ko na lang saka sumubsob sa unan. Nababaliw na ata ako dahil sayong babae ka. Gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung paano at saan ko siya hahanapin. Hayy nako! Itutulog ko na nga lang 'to. Sheysu's POV Maka lipas ang tatlong oras... Nagka yayaan kaming mag kaklase na kumain sa cafeteria pagkatapos nang practice. Umorder lang kami nang tinapay at juice ni Ally at saka kumain. Naging maganda ang kinalabasan nang laban at ganon na din ang nangyare sa iba naming kaklase. Inubos namin ang buong araw na puro practice lang ang ginagawa namin. Nung matapos na kaming kumain ay agad na kaming dumeretso ni Ally sa dorm. Habang naglalakad kami papunta sa dorm ay naalala ko ang laban kanina. Napansin ko kasi na hindi pa gaanong kumpleto ang lakas na naipapakita ni Ally sa amin buti nalang ay naka recover agad ito kanina. Pero hindi na din ako masyadong nag alala dahil sigurado naman ako ngayon na kakayanin na n'yang makipag laban sa harap nang mga tiga higher section. "Hays pagod na pagod nako kaka practice kanina, 'di man lang tayo pinag pahinga ni Alexa kahit saglit." Naka simangot na sabi ni Ally habang nagpapalit. "Oo nga eh, hayaan mo na atleast magagamit din natin yan. Mas magiging handa na tayo bukas para sa matinding labanan." Sabi ko at nag simula nadin magpalit nang damit. Naisipan ko na magpa hangin sa labas kaya naman nandito ako ngayon sa garden, na mag isa. Inaya ko naman si Ally na sumama pero tumanggi siya dahil may gagawin pa daw ito. Maya maya pa ay bigla akong nakaramdam, na parang may nagmamasid sa akin. Tumingin ako sa buong paligid pero wala naman akong nakita. Biglang may pumalakpak kaya napatingin ako doon, may isang lalakeng naka itim. "Sino ka?" Na aalarmang tanong ko sa kan'ya. Dahan dahan naman siyang lumapit sa 'kin. "Tawagin mo na lang ako sa pangalang Jin. Hindi ako pumunta rito para makipag away." Seryosong sabi nito. "May sasabihin lang sana ako sayo." Naka ngiting sabi niya. "Ano 'yon?" Taka kong tanong dahil hindi ko naman siya kilala at mas lalong hindi ko pa s'ya nakikita sa Academy. "Kung ayos lang sana sayo ay gusto ko sanang lumipat ka sa Monggolia Academy dahil mukhang malakas ka." Nakangiting sabi niya na para bang hindi big deal ang sinabi niya. "Ayoko." Madiin na sabi ko saka ko siya sinamaan ng tingin. "Well, mahaba pa naman ang panahon para tanggihan mo agad ang alok ko. Pag isipan mo muna nang mabuti at saka kita babalikan kapag nakapag desisyon kana." sabi niya at bigla nalang s'yang nag laho sa harapan ko. "Anong sinabi niya sayo?" Tanong nang isang boses lalake. Napa tingin ako sa likuran ko at nakita ko doon si Josh. Bakit kaya siya nandito? Maya maya pa ay napansin kong masama pa rin ang tingin niya sa lugar kung saan nag laho ang lalake. "Lumipat daw ako sa Monggolia Academy." Sabi ko. "Wag kang lilipat at kahit anong gawin n'ya ay huwag kang pumayag na lumipat sa Academy na iyon." Utos niya. Hindi ko maintindihan ang isang to. Magtatanong pa sana ako sa kan'ya pero tinalikuran na niya agad ako at saka nag lakad paalis. Tingnan mo ang lalakeng 'to. Tsk. ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD