Chapter 19

1536 Words
Sheysu's POV Makalipas ang isang linggo... "Kinakabahan ako Shey." sabi ni Ally habang naka hawak ito sa kan'yang dibdib. "Ano kaba bakit ka naman kinakabahan diyan? Eh 'di ba nag practice naman na tayo, saka ayos naman ung laban mo ahh ang dami mo ngang natalo sa mga naging practice natin." sabi ko kay Ally para kahit papaano ay lumakas ang loob nito at saka totoo naman na medyo umayos ang strategy niya sa pakikipag laban at ang pag iisip din nito kesa sa dati. "Oo nga pero kinakabahan talaga ako, Hayss ewan." Sabi n'ya at saka napa buntong hininga. "Kasama mo naman ako doon kaya huwag kanang kabahan, kaya natin 'to. Okay?" Sabi ko at tumango naman ito. Tumahimik na kami sa pag uusap at agad na gumayak para pumunta sa school. Nandito na kami ngayon ni Ally sa academy para magpractice. Bukas na kase ang laban sa pagitan nang mga tiga higher at lower section kaya naman ay buong araw kaming todo ensayo nang mga kaklase ko. "Omy gosh Shey, sana talaga manalo tayo bukas." sabi ni Ally habang naka cross pa ang daliri. "Mananalo tayo, tiwala lang." Nakangiti kong sabi sa kan'ya. ~~~ Third Person's POV Kinabukasan... Lahat ng estudyante ngayon ay nag hahanda na para sa gaganapin na laban mamaya doon sa gubat. May mga ilang estudyante na kinakabahan dahil alam nila na delikado ang magiging laban dahil doon ito gaganapin sa gubat at maraming mga hayop na mababangis doon, may mga iba namang estudyante na excited nang makipag laban. Ang lahat ng estudyante ngayon ay nasa gym na para makinig sa anunsyo nang principal. Maya maya pa ay umakyat na ang principal sa stage at nag announce. "Good morning sa inyong lahat mga Enchantians! (Tawag sa mga estudyante nang ECT Academy). Dumating na ang pinaka hihintay nating lahat, ang araw kung saan mag sisimula ang palighasan sa gubat. Nawa ay naging sapat ang mga nag daang araw na ibinigay ko sa inyo upang makapag ensayo kayo nang mabuti. Inaasahan ko na magiging maganda ang activity na ito para sa bawat isa. Manalo o matalo ay okay lang dahil magagamit niyo rin ito para mas lalong lumakas at nakikita ko din naman na halos lahat ay todo bigay at may iba pang mga lumakas pa. Yun lang ang nais kong sabihin matapos nito ay may sampong minuto pa kayo para pumunta sa gubat bago magsimula ang laban. Galingan ninyo!" Sabi nito sa mga estudyante at bumaba na. Pagka tapos non ay agad naring nagsi alisan ang mga estudyante para pumunta sa gubat "Tara let's na mga classmate, gora na tayo." sabi nang bakla nilang kaklase. "Kaya natin yan!" Sabi pa nung isa nilang kaklase. "Woooh! FIGHT!" sabay-sabay nilang sabi at lumabas na. Pag pasok nila sa gubat ay makikita mo ang mga ilan sa mga estudyante na kinakabahan na. Maya maya pa ay pumunta sa gitna ang principal. "Mukhang nandito naman na ang lahat. Okay bago pa mag simula ang lahat ie-explain ko muna ang dapat niyong gawin upang manalo sa paligsahang ito." panimula ng principal. "Yang bracelet na suot niyo." Sabay turo sa isang kamay nang estudyante. "Kapag nakuha yan nang kalaban n'yo ay talo kana at kung sino ang huling estudyante na matitira sa loob ang s'yang tatanghaling panalo. Matira ang matibay! Simulan na ang laban." Sabi nito "Go!" Sheysu's POV "Go!" Nagsimula na ang laban at biglang nag takbuhan na ang mga kaklase ko hanggang sa magka hiwa-hiwalay na kami. Dito ako napunta sa tatlong matataas na puno. Maganda ang pwesto rito dahil kita mo ang lahat mula sa itaas, pero kailangan ko ding umalis muna para hanapin si Ally at baka mapa hamak ito. Ang sabi ko pa naman sa kaniya ay sasamahan ko s'ya sa paglaban. Agad ko nang pinalabas ang guardian kong si Max. "Max alam mo na ang gagawin mo." Bulong ko dito. Nagulat ako nang may biglang humawak sa aking pala pusuhan kaya hinawakan ko din siya sa pulso niya at agad na kinuha yung bracelet niya bago pa niya ako maisahan. Pag tingin ko ay bigla na siyang nag laho sa hangin, ibig sabihin nun ay out na siya sa laban. Ally's POV Omy gosh nasan kana ba si Shey, nagka hiwa-hiwalay kasi kami at kanina ko pa s'ya hinahanap pero hindi ko s'ya makita at isa pa hindi ko man lang s'ya naka salubong sa daan buhat nang magsimula ang laban. Nandito ako ngayon sa tabi nang lawa at kanina pa ako nakikiramdam sa paligid. Maya maya pa ay nakaramdam ako, na para bang may nagmamasid sa akin. Agad kong nilingon ang paligid pero wala namang tao. Nakarinig ako nang kaliskis sa hindi kalayuan ngunit nang li-lingunin ko na ito ay agad na may sumipa mula sa aking likuran. "Hi b***h!" Naka ngiting sabi niya sakin. Si Alex, siya ang pinaka kina-iinisan nang halos lahat nang estudyante dito sa ECT at syempre pati narin ako dahil sa taglay nitong katarayan at syempre kabilang din s'ya sa mga tiga higher section. Hindi nako nagtataka kung bakit, dahil halos lahat naman silang mga tiga higher section ay magkaka mukha nang ugali. Sabi nga nila "Birds with the same feather, Flocks together." at mukhang totoo naman. Nagising ako sa pag iisip at bigla kong naalala, na ang sakit ng likod ko. Punyeta talaga, Humanda ka saking babae ka. Lintik lang ang walang ganti noh! Hindi niya napansin ang bigla kong pag atake sa kan'ya, sinipa ko din ito sa likuran at agad ko lang naman s'yang sinabinutan dahil sa sobrang pagka irita. Ang sakit kaya nohh! "Walangya kang babae ka! Halika ditoo! Dati pa ako nag titimpi d'yan sa kamalditahan mo haa! Kaya ngayon humanda ka sa 'kin! Akala mo hindi kita papatulalan? Ulul!" Sabi ko sa kanya habang hawak kopa rin ang buhok niya. "Ano ka ngayon nasan na ang taray mo? Bakit 'di ka maka palag Haa? Eh wala ka naman palang binatbat sa 'kin eh." Sabi ko pa rito at mas lalong diininan ang pagka sabunot sa buhok n'ya. "Let me go b***h!" Sabi n'ya na ngayon ay bwisit na. "b***h mo mukha mo! Punyemas ka!" Sabi ko at agad kong hinawakan yung wrist niya at saka tinanggal yung bracelet matapos ay nag laho na ito na parang bula. Nagulat ang nang biglang... "What the hell!" Sabi nang hindi ko kilalang tao. Napatingin ako sa unahan ko at nakita ko si Gray ang boyfriend ni Alex at siguradong lagot ako neto. Sheysu's POV Hayss nakaka pagod na Ahh. Pagod na pagod na akong tumakbo, kanina ba naman kasi ay may nakita akong tatlong asong lobo at ayun hinabol nila 'ko. Buti nalang at nailigaw ko na sila. Hindi pa ako tuluyang nakakapag pahinga ay biglang may tumamang sibat na malapit sa puno kung saan ako naka pwesto ngayon. Napatingin ako kung kanino ito galing at nalaman na kay Arrow ito nag mula. Nakaka asar! Kung kailan naman nag papahinga yung tao at saka naman... Bigla ulit s'yang tumira nang sibat at muntikan nakong matamaan sa mukha. Hindi na ako nag dalawang isip at kaagad nang tumakbo. "Hindi ka makakatakas!" Sigaw n'ya habang hinahabol ako. Pagod na talaga ako! Mukhang kailangan ko nang gumamit ng kapangyarihan at saka wala naman silang sinabi na bawal eh. Sinimulan ko nang gamitin ang kapangyarihan ko na lumikha nang Illusion kaya napa hinto naman ito. Pinalabas ko na ulit si Max at sumakay ako sa likod nito saka s'ya tumakbo nang mabilis. ~~~ Maya maya pa ay nakarinig kami nang sigawan at pag sabog kaya naman ay inutusan ko na huminto si Max sa pag takbo nito. Ngayon ay nandito na kami ni Max sa tabi nang lawa. Ally's POV Dali daling lumapit sa 'kin si Gray at bigla niya akong sinampal. ARAY!! What the heck?! Ang lakas nang sampal niya haa at feeling ko rin ay namumula na yung kaliwang pisnge ko dahil dito. "Ang lakas din naman nang loob mo na gawin sa kaniya 'yon! Ngayon pagsisisihan mo ang ginawa mo kay Alex!" Sabi niya at saka hinawakan niya ako sa leeg at unti unti na akong nauubusan nang hininga. "Bi...tiwan m...o a...ko" mahinang sabi ko. Mawawalan na sana ako nang hininga. Nagulat ako nang biglang tumalsik si Gray sa malaking puno. "Sumosobra ka naman ata Gray." Napatingin ako sa nag salita at biglang natuwa (syempre pa simple lang HHAHA). Si Shin. OMG! Si crush nandito. Lakas maka "My Knight and Shining Armor" ni crush ahh Iba rin WHHAHA "Ohh Hindi ako na inform na super hero kana pala ngayon Shin." naka ngising sabi ni Gray habang pinapagpagan ang sarili. Biglang inatake ni Gray si Shin pero naka ilag kaagad siya. Ang gwapo! Gusto ko sanang mag cheer kaya lang ay huwag na at mukhang nag kakainitan na dito. Sheysu's POV Nang makalayo layo nako ay napahinto ako dito sa lilim na bahagi nang gubat. "Look who's here, The Flirt." Mataray na sabi nang isang boses babae. Mukhang kilala ko ang boses na 'yon. Bigla akong napa tingin sa gilid ko at tama nga ako sa aking hinala, doon ko nakita si Catrina na ngayon ay naka ngisi na sa 'kin. "Alam mo kanina pa ako bored dito eh, buti naman at dumating kana." ∆∆∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD