prologue
Ravin,
Please tell our daughter everyday that I love her?
-X
...
"Mr. Romualdez, my team is excited to see you next week."
"I'll be looking forward to that Mr. Richardson." He stated before he ended the video call. Napahawak siya sa kanyang sentido, it aches a bit. Inikot niya ang swivel chair, he needs to look at the view of the Metro to calm his nerves. Madalas ang ilaw lamang ng gabi ang nagpapakalma sa kanya. Bakit naman hindi siya mapapagod ng sobra? Pasan niya ang lahat ng responsibilidad ng kanilang kumpanya, his father Ren Romualdez filed his early retirement. Ang kanyang kapatid naman na si Raven ay nasa medisina and the last one, Robin he's living a very different life, away from them.
"You need a massage?" malambing na boses ng babae sa kanyang gilid ang pumukaw sa kanyang pag-iisip, sa una ay nasa likod niya ito habang minamasahe ang kanyang ulo. Isinarado niya ang kanyang mata para damhin ang sarap ng masahe nito. Kahit paano naibsan nito ang p*******t noon.
"You like that?" malambing na wika nito.
"Yeah." The woman giggles at his answer, satisy even. Ang kamay nito na nasa kanyang sentido ay lumalandas na sa kanyang malapad na dibdib. He can smell her sweet scent and her desire. Umikot ito para maupo sa kanyang hita. Dinilat niya ang kanyang mga mata para pagmasdan ang mapaglaro nitong gawain. She even pressed her but in his manhood covered by his pants. Yumuko ito and gave him a mouthful kiss habang ang kamay naman nito ay tinatanggal ang kanyang necktie. He kissed her too, pero nang tatanggalin na nito ang butones ng kanyang pang-itaas ay hinawakan niya ang magkabilang kamay nito.
"Why?" bakas ang pagkadisgusto at pagkabitin sa boses nito.
"No monkey business in my office." Sagot niya.
"Then let's go to my house," malambing na wika nito na nagkunyapit sa kanyang leeg.
Tinanggal niya ang pagkakayakap nito ng maalala ang pangako sa kanyang anak. He needs to be home before seven, may surprise raw ito, hindi man lamang siya binigyan ng clue kung ano iyon.
"I can't Althea. I need to be home, my daughter's waiting." Dahilan niya dito. Ang ngiti nito ay biglang naglaho, kagaya ng bulkan ay bigla itong sumabog.
"Ganoon na naman? Anak mo na naman? I am your girlfriend Ravin! Pero bakit hindi ko maramdaman na priority mo ako? Bakit hindi ko maramdaman na akin ka? Why can't you choose me over your daughter for once?"
"Because I will never be yours Althea and no I will never choose you over my daughter. " With that, nakatikim siya ng sampal sa kanyang kanang pisngi. Bumaling ang kanyang mukha sa gilid dahil sa lakas noon, iyak naman ng iyak ang babae , hindi pa ito nakuntento at hinampas siya sa dibdib.
"Jerk! Binigay ko ang lahat tapos wala pa rin?! I hate you!" sigaw nito bago umalis sa kanyang opisina. He expects that to happen anyway. Kinuha niya ang telepono para papasukin ang secretary pero hindi na pala kailangan dahil pumasok na ito kaagad.
"Sir?"
"Tell the HR to hire for a new Marketing Manager." Utos niya rito.
"Okay sir." Iyon lamang at umalis na ang babaeng sekretarya, kanina ay ulo lamang niya ang masakit ngayon, pati ang kanyang pisngi ay nadamay na. Kinuha niya na ang kanyang gamit para umalis. Excited siyang malaman kung ano ang surpresa ng kanyang walong taong gulang na anak. Tango lamang ang tugon niya sa mga pagbati sa kanya ng kanyang mga empleyado. Hindi naman siya nag umpisa sa taas agad-agad. He earned his way to the top. He started as a manager in Finance Department. Pinakita niya ang kanyang sariling kakayahan para makuha ang kanyang posisyon , he took his masters abroad kahit na mimiss niya ang kanyang anak. Ginawa niyang parang Manila- Bataan lamang ang America, pero sa huli, sinama niya na rin ang kanyang anak doon, kahit ang parents naman niya ang nakakamiss dito.
Dumaan muna siya sa favorite pastry shop ng anak , he bought her favorite cheesecake. Papasok na siya sa kotse ng mahagip siya ng isang binatilyong nakasakay sa bike as if on cue bumalik ang ala-ala ng kahapon noong panahong buo pa ang samahan nila.
...
"Where's Robin?" tanong niya kay Raven na abala sa ginagawa nitong cake. He insisted na bumili na lamang sila para sa birthday ng kanilang mommy kaya lamang ay ito daw ang gagawa. May pagka pakealamero kasi sa kitchen si Raven. He loves to eat , mabuti at hindi tumataba.
"Inutusan ko bumili ng flowers diyan sa labas ng village, ikaw dapat kasi wala ka pang na contribute kaya lang tulog ka ng tulog ," reklamo nito sa kanya, dinidisenyuhan nito ang cake.
"Are you gay?"
"What!" sigaw ng kanyang kapatid. Naisip niya lamang naman , malambot kasi ito katulad ng isang babae, unlike them...well Robin's too rough. May pagkabasagulero ang kapatid nila na iyon, kaya namna tuloy hiwalay ito sa kanila ng section. Nasa grade 10 na silang lahat pero iba ang section ni Robin. He was labeled as the pasaway among them.
"I'm a man, mahilig lamang sa ganito bakla na? Saka si Attorney, mas na-aappreciate niya yung ganito, yung nag-eexert ng effort." Pagtatanggol nito sa sarili, wala na siyang sinabi.
"Ayusin mo na nga lang ang set up ng table sa labas, abangan mo na rin si Rob, daddy's keeping our mom busy kaya di pa bumababa."
"Akala mo lamang , pabor kay dad na magtagal sila sa kwarto."
"Really Ravin, are we talking about that towards our parents?" nandidiring sabi ni Raven sa kanya.
"Why Rave? You will do that eventually, dapat kasi sumama ka din sa amin noon, paano na lamang kung mag memeds ka? Ma cuculture schock ka kapag nagbukas kayo ng katawan ng tao." Dahilan niya rito.
"Pwede ba Ravin, magkaiba iyon, puntahan mo na nga yung utos ko." Napipikon na sabi nito.
"Wow huh, parang ikaw ang kuya?" sarkastikong wika niya dito. Siya naman ang panganay sa kanila, they are fraternal triplets...Isa ring palatandaan nila ang kanilang dimple, nakakinggit si Robin dahil dalawa ang dimple nito, malaking dahilan kung bakit chick magnet ito. Karamihan kasi sa mga kababaihan ay mas gusto ang badboy at ang hindi maipagkakailang nakalinya roon.
"Go!"
Umalis na lamang siya...nakahanda na nga ang table, nandoon ang dalawang kapatid nila na babae , tahimik na nakaupo sa kanilang pwesto habang nakabantay ang mga yaya ng mga ito. Okay naman na, si Robin na lamang talaga ang wala... lumabas siya para abangan ito, dala na naman ng kanilang kapatid ang bike nito... paborito kasi nitong mag bike at gumawa ng mga tricks, sila ni Raven ay pass sa ganoong kalokohan, parehas kasi sila noon na ayaw magasgasan ang katawan , unlike Robin na adventurous at walang takot sa mga sakit. Sa malayo pa lamang ay tanaw na tanaw niya na ito... nakalagay sa harapan nito ang bulaklak. Bumaba ito kaagad , malapad ang ngisi at niyakap siya ng isang kamay.
"What happened? Nababaliw ka na ba?" akusa niya rito, mukhang natuluyan ang pagluwag ng turnilyo ng kapatid.
"Ravin! Natagpuan ko na ang babaeng mamahalin ko!" anunsyo nito.
"What?"
"Doon sya nakatira sa flowershop, bago lamang sila...she's so beautiful Ravin, ganoon yung mga tipo kong babae na papakasalan ko talaga." Habol pa nito ang paghinga habang masayang nagkwento. Nababaliw na ito? How can his brother say those words, about marriage gayong fifteen lamang sila? It's too early for that...saka kakakilala lamang nito sa babae...
And then that day came, ang araw na ipakilala ito ni Robin sa kanila ni Raven bilang girlfriend...her name is Heaven Marie, she really looks like an angel who comes down to earth, she's simple, kind and very beautiful, she has a very beautiful smile, he can tell why Robin fell for her...ganoon din siya sa unang kita pa lamang niya rito. But she's off limits, he bear that in mind when Robin introduce her to their family...
Pero may mga bagay talaga na kahit anong pigil mo pilit pa ring kakawala...wala nga naman daw sikreto na mananatilong sikreto at hindi mabubunyag.
"Buntis ako Ravin...may nabuo." Sabi ni Heaven sa kanya bago ito umiyak...niyakap niya ito para pakalmahin, she's shaking.
"Don't worry, I am here...hindi ko kayo pababayaan." Alo niya dito pero kumawala ito sa kanyang yakap.
"Hindi mo naiintidihan...I can't have this baby, si Robin-"
"A baby was never a mistake Heaven Marie," he whisper to her ear na mas lalong nagpahagulgol dito. Alam niya ang takot nito sa kanyang kakambal, alam niya rin ang kanyang susuungin pag nagkataon, pero sawa na siyang magpigil, sawa na siyang maki-amot lamang, tutal nandito na naman na, maiintindihan naman siguro ito ng kanyang kakambal...eventually..
But that eventually never happened... he had witnessed how he slowly killed Heaven by bearing their baby...
He witnessed how he broke their brotherhood ties the moment he brought up the news...namatay na si Heaven, ipinanganak na ang kanilang anak...lumipas na ang ilang taon...hindi pa rin umuuwi sa kanilang bahay si Robin.
He still hates him. He forever will, wala pa lang kapantay na kapatawaran ang kanyang nagawa.
"Sorry sir. " lumapit ang naka bike at humingi sa kanya ng pasensya. He let the kid go, gusto niya na lamang umuwi.
As he parked his car, kita niya na ang kanyang anak na nakaupo sa baitang ng main entrance may kipkip itong papel. Paglabas niya ay tumalon agad ito papunta sa kanya.
"Daddy!" masayang sabi nito.
"How's my little girl?" kinarga niya ito sa kanyang braso kahit walong taon na ay ito pa rin ang kanyang little girl. Yumakap naman sa kanyang leeg ang isang kamay ng anak habang pinapakita naman sa kabilang kamay ang certificate nito.
"Daddy, best in spelling ako kanina." He read her name in the certificate Soraleine Marie Romualdez.
"Wow ang galing naman ng baby Sora ko, manang -mana sa daddy." Puri niya rito, her little girl giggle...sa kabila ng nasirang samahan, anak niya na lamang ang siyang nagpapasaya at nagpapaalala sa kanya na pwede pa ring magsaya, kailangan niya pa ring magpatuloy dahil nandito ang kanyang anak na kailangan siya...
"I love you daddy, saka daddy na watch mo ba yung boxing kanina? Champion na naman si tito Robin."
"Talaga?" hindi niya talaga mapigil ang anak na manood ng laban na iyon kahit pa brutal, lalo na at lahat ay nakasuporta sa career ng kanyang kapatid.
"Kaya lang daddy bakit hindi siya nagcecelebrate dito? Hindi man lamang siya umuuwi dito? Hindi niya ba alam papunta dito?" walang muwang na tanong ng kanyang anak.
"He know his way he's just so busy." dahilan niya na lamang...paano niya ba ipapaliwanag sa anak na hinding hindi ito uuwi dahil sa kanilang dalawa? Kailangan ba nitong malaman na silang mag-ama ang bunga ng hinanakit nito na mundo?
Syempre hindi...siya ang may kasalanan, siya ang sasalo ng lahat ng sakit, hindi ang kanyang anak, hindi si Sora.
Ravin,
Please tell our daughter everyday that I love her?
Sorry for not being there as she grows up...
Pero hindi ko pinagsisihan ang pinili kong buhayin siya kaysa sa aking sarili...
Sorry for your feelings for me?
Sorry dahil....si Sora lamang ang kaya kong ibigay sa'yo...
Sorry and goodbye...
My dying wish is for him to forgive me too...
But that's impossible right?
-HEAVEN MARIE