CHAPTER 11 "Dominguez, kumusta ang hawak mong kaso?" Bago sumagot ay sumaludo muna si Craig sa kanyang CO. "Going good sir, may nadagdag kaming clue galing sa naging imbestigasyon namin ni Torres kahapon," aniya. Isang ngiti ang ibinigay ng kanyang C.O., tinapik siya nito sa kanyang kanang braso saka muling nagsalita, "Alam ko namang madali lang para sa 'yo ang mga ganyang uri ng kaso. At tandaan mo lang ang sinabi ko, ang tanging bagay lang na pakikialaman mo ay ang robbery case, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo sa ibang bagay na wala namang kinalaman sa 'yo o sa kaso. Mapapahamak ka lang," paalala nito. Hindi sumagot si Craig, bagkus ay hinayaan na lang niyang makatalikod sa kanya ang kanyang Hepe para tuntunin muli ang kanyang upuan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang an

