CHAPTER 12 Ginawa ng magkaibigang pulis ang ideya ni Dawin na bantayan ang kilos ni Karl. At habang ginagawa ito ay sinisiguro nilang hindi sila makikita ng lalaking ito, dahil maaring may maging gulo pa kapag nalaman niya na sinusundan siya ng mga pulis na akala niya ay kakampi niya. Dahil mahilig si Karl sa pabango at Coffee Shop, iyon ang madalas na lugar kung saan nila nakikita ang lalaki. Para bang wala na itong ibang inintindi sa buhay kundi ang atupagin ang mga hilig niya. Lalong nagbigay kay Craig ng rason iyon para pagtakhan ang mga araw-araw na ginagawa ng binata, dahil sa pananaw niya ay hindi dapat pagliliwaliw ang ginagawa ng isang taong nakilalang may negosyo. "Ilang araw na nating sinusundan ang taong 'yan, pero panay gala lang ang ginagawa. Seryoso ba siya sa ginagawa ni

