CHAPTER 32 Nang makaalis si Mario, alam na nina Wren at Cahil na ito na ang simula ng totoong laban. Haharapin na nilang muli si Karl. Lahat ng paghahanda at pagpapakatatag ng loob ay dapat na nilang gawin para hindi sila maapektuhan ng presensya ng kaharap nila. Ilang misyon na ang naisagawa nila na nakaharap nila ang biktima, kaya ang kailangan na lang nilang isipin ngayon ay wala itong pinagkaiba r'on at walang dapat na ikatakot sa kaharap nila. May mga kakampi sila na handang magligtas sa kanila kung sakaling magkaroon ng kaguluhan. Walang ibang laman ang isip ng dalawang binata kundi ang masiguro na ngayon ay matatapos na ang bangungot na ibinigay sa kanila ng pinakademonyong taong nakilala nila. Kung noon ay nagawa sila nitong guluhin, ngayon ay babawiin nila ang kapayapaang meron

