CHAPTER 31 Sa orihinal na plano, sumugal si Craig sa pag-asa na maari nilang mahingi ang tulong ng may-ari ng tindahan para sa gagawing paghuli ngayon kay Karl. Tila nawala sa isip ng binata na maaring makaramdam ng takot ang mga taong makakausap nila. Minsan talagang darating ka sa punto na makakalimutan mo ang maliliit na detalye ng isang bagay dahil sa pag-iisip mo ng husto sa bagay na kailangan mong gawin. Iyon ang isa sa mga napagtanto niya ngayon lang. Hindi niya inasahan na darating sila sa parte na mas makakaisip pa sila ng mas magandang plano, isang plano na mas epektibo pa kaysa sa naisip niya. At ang pinaka hindi niya inasahan sa lahat ay nanggaling ang ideyang iyon sa mga taong akala niya ay hindi niya na magiging kaibigan ulit. Pero ngayon ay unti-unti na silang nakakabuo ng

