CHAPTER 14 Halo-halong emosyon ang naghahari ngayon sa grupo, tila hindi nila alam kung ano ang unang dapat gawin dahil naipit sila sa nangyayari. Nakakapanghina man na pagkatapos nilang gawin ang lahat ng makakaya nila ay tila parang nadagdagan pa rin ang problema nila, at ang kasalukyang problemang ito... ay isang halimbawa na talagang nakakatakot harapin. Bago pa man nila magawang makalabas sa bahay ni Mirabel, nagawa na agad magbanta ni Karl. "Subukan ninyong humakbang pa ng isang beses, kakalat ang utak ng kaibigan ninyo sa sahig mismo ng shop niya," pananakot nito. Hindi lang basta pananakot ang nagawa niya, kitang-kita nilang apat na ngayon ay hawak na ni Karl ang kaibigan nilang si Mirabel. Walang nagawa ang dalaga kundi ang mangatog at maiyak na lang sa takot nang maramdaman ni

