CHAPTER 15 Agad na kumapit si Zeta kay Zyx... walang ibang maramdaman ang dalaga kundi ang takot na baka magkahiwalay na sila ng kapatid niya. Iyon ang isang bagay sa buhay niya na hindi niya kakayanin... Sa isang iglap, biglang may kung anong boses na naman ang nagsalita sa isip ng dalaga na para bang binibigyan siya nito ng rason paral lalong katakutan ang nangyayari... "Iiwan ka na niya... magkakalayo na kayo..." Iyon ang patuloy na bumubulong sa isip niya, tila paulit-ulit nitong ipinaparamdam sa kanya ang takot na magiging mag-isa na lang siya pagkatapos ng tagpong ito. Wala siyang ideya kung kanino ang boses na naririnig niya, pero isang bagay lang ang sigurado niya... parte ito ng nakaraan niya na ayaw na sana niyang maalala, pero sa isang pangyayari lang ay bigla na namang buma

