CHAPTER 16 Isang bagong buhay ang nakamit nina Zyx nang tuluyan silang nakatakas nang araw na iyon. Natupad pa rin ang pangarap nilang makapagsimula ng isang tahimik na buhay sa mas malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila. Pare-pareho nilang hindi inakala na posible rin pala ang imposible. Hindi nila alam kung ano ang plano ng tadhana sa kanila, kung bakit pinatakas sila at kung bakit pinagbigyan sila sa kagustuhan nilang ito... pero kung ano man iyon ay hindi na nila iniisip... dahil mas importante ngayon sa kanila ay ang pangatawanan ang buhay na pinili nila. Makalipas ang isang taon, nakamit na rin nila ang pangarap nilang magkaroon ng negosyo... mayroon na silang sariling Computer Shop at Repair Shop. Magkakasama na rin silang nanirahan sa isang bahay na nabili nila. L

