CHAPTER 40 Malapit na ang araw ng paglilitis para kay Karl, babasahin na ang desisyon ng husgado para sa kanya. Hindi pa man ito nahahayag sa publiko ay malakas na ang pakiramdam nina Craig at Dawin na panig sa kanila ang batas, alam nilang sa pagkakataong ito ay nanalo na ang kabutihan. At tiyak din nilang alam din iyon ni Karl. Hindi nasayang ang hirap nila para mahuli siya. Sa paggaling ni Zeta ay parang unti-unti ay nakakaramdam na sila ng kaligayahan na sa wakas ay may napapala rin sila sa pinaghihirapan nilang gawin. "Sa tingin mo kaya may pinaplano si Karl o ang sindikato para sa kalayaan niya?" tanong ni Dawin kay Craig. Nasa opisina silang dalawa, kagaya ng madalas nilang ginagawa ay tumatambay sila rito para mag-usap na dalawa tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa haw

