CHAPTER 39 Ilang linggo ang nakalipas at nagawa nang makapag-adjust ng grupo sa set-up nila ngayon, lalo na si Zeta, kaya na niyang gumalaw ng maayos sa bahay at alam na niya ang mga dapat at hindi dapat gawin sa shop. Maski ang mga dati ay si Wren lang ang close ay close na rin niya ngayon. Hindi siya nahirapan na gawin ang bawat utos sa kanya ni Zyx dahil gusto niya rin ang ginagawa niya. Bukod sa nalilibang siya sa ginagawa niya ay naalala na niyang ito ang pangarap nilang grupo noon pa. Hindi niya pa man alam kung paano biglang paggising niya isang araw ay nasa harapan na niya ang pangarap na iyon ay mas pinili niyang huwag nang itanong sa kapatid o sa mga kaibigan niya, dahil ramdam din naman niyang ayaw din iyong banggitin sa kanya. Hindi pa masyadong malinaw sa kanya ang mga nangy

