CHAPTER 38 Kinabukasan, paggising ng nila ay alam na nilang magbabago na ang lahat. Ngayon ay wala na silang iintindihin na alagain at bantayin dahil maayos na ang lagay ni Zeta at nakabalik na siya sa kanyang normal na pagsasalita. Ang tanging iintindihin na lang nila ngayon ay kung ano ang magiging takbo ng buhay nila ngayong nagbalik na ang dalaga. "Zeta, ayos lang ba kung ikaw na muna ang magbantay sa Computer Shop ngayon? Hindi pa kasi puwedeng magtrabaho si Wren," utos ni Zyx. Sandaling kumunot ang noo ng dalaga, hindi pa siya sanay sa buhay na meron sila ngayon. Tila sa pagkakaalala niya ay hindi pa niya nasusubukang magbantay ng computer shop, kaya wala siyang ideya kung paano iyon gagawin. Pero ayaw niyang lumabas na walang kayang gawin, kaya kahit hindi siya komportable sa inu

