CHAPTER 37 Inabutan na ng dilim sina Craig at Dawin sa Hospital dahil napagdesisyunan na ni Wren na gusto na niyang umuwi, kaya na raw niyang maglakad at kaya na niya ang sarili niya para magtrabaho. Ang bilin lang naman ng doktor ay huwag niya lang masyadong pupwersahin ang katawan niya para maiwasan ang pagbuka o pagdugo ng sugat niya. Isa pa, ayaw niya ring makadagdag alalahanin pa sa mga kasama niya lalo na kay Zeta. Kahit hindi sabihin ni Zyx ay alam niyang kailangan ng dalaga na makahinga sa mga nangyayari, at hindi nito magagawa ang bagay na iyon kung magbabantay din siya sa Hospital. Maaring hindi ito nagtatanong sa mga kaganapan pero hindi naman ito mangmang para hindi makatunog sa mga nakikita niya. Kailangan nilang ilayo si Zeta sa bagay na maaring magdulot ulit sa kanya ng sa

