CHAPTER 51 Walang pinalampas na sandali si Craig; kasama niya si Dawin na naghihintay sa ipinatawag nila, halos magdidilim na ang langit pero imbes na bigyan ng pahinga ang sarili ay mas pinili niyang sumugod sa Interrogation Room para makausap ang isang importanteng tao. Para sa kanya, ang ganitong bagay ay hindi na makakapaghintay ng kinabukasan, at kahit ipahinga niya pa ang sarili niya ay patuloy lang itong maglalaro sa isipan niya; ibig lang sabihin ay hindi rin siya makakatulog. . Hanggang sa dumating na ang pagkakataon na makaharap nila mismo ang kidnapper na si Joshua Magno, ang lalaking dumukot sa isang batang babae limang taon na ang nakakalipas. Ang nakikita niyang tao na maaring magbigay sa kanya ng isang panibagong clue. Naglalakad pa lang palapit sa kanila ang lalaki ay hi

