CHAPTER 50 May ilang minuto nang nakatambay ang magkaibigan sa kanilang opisina, pero hanggang ngayon ay walang may balak na magsalita isa man sa kanila. Parehong okupado ang isip nila ng nangyaring imbestigasyon. Masyadong marami ang nangyari para sa araw na ito, para bang sa takbo nito ay marami pang dapat abangan na mangyari. Hindi manlang nila nagawang makapagpahinga manlang. Pareho nilang alam na maganda ang nangyari nang maisip nilang puntahan ang abandonadong bodega na iyon, iyon nga lang ay may naging kapalit ito: maaring alam na ng pulis na asset ng sindikato na may mga tao silang nahuli na nila. Maaring ang ordinaryong pulis na walang kinalaman o walang alam sa kaso nila ay walang pakialam sa kung sino ang mga taong dinala nila sa presinto, pero ang pulis na tagasumbong ng sindi

