CHAPTER 49 Nang madala sa Police Station ang mga nahuli nilang mga miyembro ng sindikato ay agad na nag-report ang magkaibigan sa kanilang C.O. tungkol sa nangyari. Importanteng bagay ang maipalaam agad nila ito sa nakakataas para maagang masimulan ang pagtatanong sa mga suspek. Ito ay isang pangyayaring hindi nila dapat palampasin, ilang araw na silang puro ideya lang ang nagpapatakbo sa kasong hawak nila, kaya isang malaking tulong ang may mahuli sila na konektado sa kaso. "Kumusta ang kasong hawak ninyo?" tanong ni Ocampo. Kagaya ng palagi nitong pwesto ay nakaupo siya sa kanyang swivel chairt at kaharap sina Craig at Dawin. Bukod sa dalawang pulis na kaharap niya ay siya lang ang bukod tanging may alam sa kabuuan ng kaso. Walang ibang nakakaalam na ang hawak na kaso ng dalawa ngayon

