CHAPTER 22 "Para masigurong hindi siya madadamay sa magiging gulo kung sakaling maging palpak ang plano naming kausapin ka," diretsong sagot ni Zyx kay Craig. Nakipagtitigan ang binata sa kausap niya na para bang pinapakita niyang hindi siya nagsisinungaling sa isinagot niya. Hindi rin naman nagpatalo si Craig, nakipaglaban din siya ng titig para ipakita naman na hindi niya inaatrasan ang kung ano mang gustong patunayan ng kausap niya. Pareho nilang hindi inasahan na ganito pala kaseryoso ang magiging usapan nila, tila nawala na ang dati nilang pagkakaibigan kung saan puro biruan at laro lang ang ginagawa nila... maaring malayo na nga talaga sila sa dati nilang buhay. "Wala kang dapat ikabahala, wala naman akong planong manlaglag ng kaibigan. Sa batas lang kayo may sala, hindi sa akin,"

