Hanggang ngayon ginugulo pa rin ako nung sinabi ni Alvaro. “Ano naman kung gusto kita? May issue ka ba ron?” “Ano naman kung gusto kita? May issue ka ba ron?” “Ano naman kung gusto kita? May issue ka ba ron?” Oo, may issue ako ron. Hindi s’ya pwedeng magkagusto sa’kin hangga’t pasyente ko s’ya. Hindi ko alam kung mawawalan ba ako ng lisensya kapag nangyari ‘yun o baka itong trabaho na ‘to ang mawala sa’kin. Hindi ko kayang isugal ang trabaho ko dahil ito ang bumubuhay sa mga kapatid ko. I had no idea if a nurse could fall in love with her patient. Teka, bakit ba iniisip ko ‘yun? Hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi nitong si Alvaro at hinding-hindi mangyayari ‘yun. Baka nasobrahan lang sa gamot itong si Alvaro kaya kung ano-ano ang sinasabi. I'm not one of his types, so it's rea

