"I'm asking you. Mukha bang garahe ng sasakyan ang balkonahe na 'to?" Pag-uulit ko sa aking tanong. Alam kong hindi ko gusto ang pag uulit ng mga sinasabi ko pero gusto kong maramdaman ng lalaking 'to that he's not allowed to touch my girl. Aurora's P. O. V. "Alvaro naman. Lumapit lang siya sa'kin kasi napansin niyang umiyak ako. No need to take it seriously," Sabi ko. Magkatabi kami ni Jomar habang nasa harapan namin si Alvaro na nakapamulsa ang pareho niyang kamay. "I'm sorry po, Mr. Hernandez. It won't happen again." Napansin ko ang pag-igting ng panga niya kaya marahan kong tinapik ang braso ni Jomar. "Sige na. Salamat sa pag-aalala," Pilit akong nginitian ni Jomar bago siya bahagyang yumuko kay Alvaro bilang paghingi ng pasensya. Mabilis niyang nilagpasan si Alvaro at nang mak

