Nandito ako ngayon sa office ni Alvaro. Tahimik lang akong naka-upo, nakatuon ang dalawang kamay sa upuan at pinapanood ang pag galaw ng paa ko. Halatang buryong-buryo na 'ko rito. Wala akong ginawa kundi iikot lang ang paningin ko rito sa loob ng opisina niya at halos saulado ko na ang pwesto ng bawat bagay dito sa kanyang opisina dahil sa ilang linggo ko na rin na pag tambay dito. Busy silang lahat ngayon. Wala akong makausap sa kanila kahit mga empleyado ni Alvaro, hindi ko makausap. Magtatanong ako tapos sasagutin nila at dun na matatapos ang usapan namin. Halatang ayaw nilang magpa abala sa'kin. Hindi ko kayang walang kausap. Masyadong natutuyo ang mga laway ko at hindi ako sanay! Kahit kailan yata hindi ako naging tahimik, depende na lang kung galit at may tampo ako. Pero kapag n

