“Oo naman, Jomar. Tungkol ba saan?” Tugon ko. Agad akong tinapunan ng tingin ni Alvaro at nagpanggap akong hindi ko nakita ang kanyang seryoso at may laman na tingin. Marahan akong tumayo at lumapit sa kanya. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Alvaro kaya’t hindi ko mapigilan ang mapangisi. “Tungkol sana sa pinag usapan natin kagabi?” Narinig ko ang pag buntong hininga ni Alvaro nang magsalita si Jomar kaya’t napailing at napangisi ulit ako. May kung anong kinukutingting si Jomar sa cellphone niya nang sabihin niya ‘yun. Marahan akong lumingon para silipin ang reaksyon ni Alvaro at ngayon ay nakahalukipkip siya at malayo ang tingin. Anong nangyayari dito kay Alvaro at masyadong madamot? Parang ayaw mapunta sa kahit kanino ang atensyon ko. Hindi naman pwedeng sa kanya lang ang at

