Nagsuot ako ng puting long sleeve na polo at kulay cream na pencil skirt. Papasok daw kasi ngayon si Alvaro kaya ito na agad ang sinuot ko. Nasasanay na 'ko sa pagsusuot ng mga ganitong damit at hindi ko na ina-alintana ang ikli at hapit nito sa aking mga hita. At saka, napagtanto kong bagay naman sa'kin kaya't hindi ko na kinulit si Alvaro. Dinampot ko ang puting tasa at nilagyan ito ng kape at kaunting asukal. Gusto niya raw ng kape kaya't nagkusa akong ipagtimpla siya. Hindi naman 'to mabigat na trabaho, di na kailangan pang iutos sa iba. Nilagyan ko 'to ng mainit na tubig bago ko ipatong sa platito. Hindi ko maiwasan mapangiti habang ginagawa ko ng kape si Alvaro. Parang noon lang, napaka-sungit niya sa'kin kapag inuutusan niya 'ko. Ngayon naman ay madalas na siyang nakangiti sa'kin

