Nang hindi masundan ng tawag ang pangalan ko ay agad na lumakas ang t***k ng puso ko. Tumayo ang balahibo ko at nagsimulang magsikip ang dibdib ko dahil sa takot na baka kung anong nangyari sa kanya. Mabilis akong pumasok sa silid at inikot ang aking mga mata para hanapin siya. Bumungad sa'kin si Alvaro na nakayuko sa gilid ng isang lamesa. Agad akong lumapit sa kanya at halos habulin ko ang aking hininga nang tanungin ko siya. "Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Alvaro?" Hinimas ko ang likuran niya at hinawakan siya sa kanyang braso. Marahan nitong inangat ang kanyang tingin sa'kin bago ayusin ang kanyang tindig. Nagdikit ang mga kilay nito bago ngumisi sa'kin. "What are you talking about?" Nakangisi nitong tanong. "Akala ko…" Bumaba ang tingin ko sa lamesa at muling umulit sa is

