Agad akong bumaba ng tricycle nang makita ko ang bahay ni Mr. Hernandez, wala akong maramdaman kundi pagkamangha. Hindi ko alam kung ito na ba ang kumpanya o ito palang yung bahay niya. Sa laki nito ay parang isang araw kayong hindi magkikita ng kasama mo rito.
Bumungad agad sa’kin ang mga assistant at bodyguard ni Mr. Hernandez. “You’re five minutes late, Ms. Martinez.” mahinahong sabi sa’kin ng kanyang assistant nang makalapit ako sa kanila. Para five minutes ay hindi pa nila ako mapagbigyan.
Gosh, I forgot what I said yesterday, hindi na nga pala ako ma-le-late.
“Nandyan na ba si Alvaro?” pag iiba ko ng usapan.
“You must call him Mr. Alvaro or Mr. Hernandez,” pagtama nito sa aking nasabi, oo nga pala, nakalimutan ko. “Kung sa trabaho mo ay ayos lang malate, dito hindi. Besides, you’re a licensed nurse, hindi ba’t bawal ang late sainyo?”
“Minsan lang naman ‘yun kapag traffic.” pagtatanggol ko sa aking sarili.
“Jologs.” Nang marinig ko ang salitang ‘yun ay agad na umakyat ang dugo ko. Anong ulam nito ngayong umaga at bakit napaka-pait ng ugali? Saan ba humuhugot ng galit ang babaeng ‘to. Ito ang una naming pagkikita, nalaman kong s’ya ang assistant ni Mr. Hernandez dahil sa name tag niya, kaya wala akong ideya kung bakit s’ya ganito sa’kin. Dahil ba sa late ako kaya s’ya ganito? Ang babaw naman.
“Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan si Aurora. She’s my private nurse, she’s the one who’ll make me stay here longer. She had the medicine and the things I needed for my illness. So, you should treat her the way you treated me.” Sabi ni Alvaro nang marinig niya ang sinabi sa’kin nitong babae.
Iba yata ang mood ng lalaking ito ngayon. Kumpleto yata ang tulog.
Napaka tangkad niya na para bang siya ay isang malaking gusali at ako ang maliit na apartment sa tabi niya. Hindi ko inakala na ganito siya katangkad. The last time I talked to him, e nakaupo siya.
“Pst!” Nagising ang diwa ko at napagtanto kong iniwan na pala nila ako. Agad akong sumunod at sumabay sa paglalakad kay mataray na assistant. I don’t know her name. “You should always put attention in everything. Kulang ka ba sa tulog?” tanong nito sa’kin kaya agad ko ring sinagot ng pag iling.
“May iniisip lang.” Sagot ko sa kanya.
“I’m sorry for what I did earlier. I’m Jessica and you can call me Ms. Jess or Ms. Jessica," nilahad nito ang palad niya sa'kin na agad ko ring tinanggap. Sobrang formal naman nilang lahat. "Ayoko lang ng late at palpak sa trabaho. In my 16 years of being assistant of Mr. Hernandez, it shaped me to be a better person. Ganyan din ako noon at sana hindi ka na late next time because he hates it." sabi nito sa'kin.
"I-I promise," Sagot ko sa kanya.
"He also hates that word so don't use it." Inunahan ako nito sa paglalakad at mabilis na lumapit kay Mr. Hernandez at sinabi ang schedule nito for today.
Ang dami namang ayaw nitong si Mr. Hernandez na ito. Sana kayanin ko ang trabaho. Hindi ko naman kasi gagawin 'to kung hindi dahil sa mga kapatid ko. Bukod sa mukhang may ginagawang hindi maganda si mama sa abroad, kailangan ko ring isipin ang bayarin sa school ni Stacy dahil graduating na siya this year.
"Jessica, reschedule my schedule for today. I need to rest." mahinahong sabi ni Mr. Hernandez bago ito sundin ni Ms. Jessica. Pumasok na ito sa kanyang kwarto pero iniwan niyang bukas ang pinto kaya't agad akong sumunod sa kanya para mapainom sa kanya ang mga gamot niya na ilang minuto ng lampas sa oras.
"Mr. Hernandez, iinom na po kayo ng gamot for 7am. Ilang minuto na pong late kaya inumin niyo na po ngayon." marahan kong nilapag ang bag ko sa kanyang kama bago ito buklatin.
"Iwan mo na lang dyan, Ms. Martinez." sabi ni Mr. Hernandez habang inaangat ang kanyang kumot para makahiga siya.
"Mr. Hernandez, kailangan niyo na po kasing inumin ito ngayon dahil hindi po pwedeng lumampas sa oras ang pag inom niyo ng gamot." mahinahon kong sabi.
"Hand me my medicines," agad ko siyang sinunod at binigay sa kanya ang mga gamot niyang dapat inumin. "Don't look at me, please." tumungo ako at hindi siya pinanood. May mga ganun talaga na pasyente, may ilang pasyente na rin akong nakasama na hindi makalunok ng gamot.
Sana ininom niya ang gamot niya.
"I'll wake you up po kapag kakain na kayo at iinom ng gamot. Sleep well, Mr. Hernandez!" masaya kong sabi sa kanya bago ko ayusin ang kanyang kumot. Hindi ito tumugon sa'kin at inayos lang ang kanyang pag higa.
I should forget what happened yesterday. Hindi niya naman siguro intensyon na masabi yun. Tsk. Dinampot ko na ang bag ko para makalabas, pero bago ko pa maisara ang pintuan ay may pahabol pa itong sinabi, "Just call me Alvaro. Drop the honorific."
"Susubukan ko po," sagot ko sa kanya.
Nang makalabas ako ay bumungad sa'kin si Ms. Jessica na naka ubob at umiiyak sa dining area. Agad akong lumapit sa kanya at hinimas ang kanyang likuran, "What happened?" tanong ko.
Marahan nitong inangat ang kanyang ulo bago pilit na ngumiti sa'kin, "Masakit sa'kin as her assistant na may cancer siya. Hindi ko matanggap, Aurora." Mahigpit ako nitong niyakap at humagulgol sa aking tiyan.
"Lalaban tayo. Aalagaan ko siya at hindi ko siya pababayaan, okay?" sagot ko kay Ms. Jessica.
"Hindi ko alam kung may plano siyang sabihin sa mga empleyado niya ang tungkol sa sakit niya. Tanging ako, ikaw at ang mga bodyguard niya lang ang nakakaalam." sabi nito sa'kin. Kalimitan sa mga nakukwento sa'kin ng mga katrabaho ko ay ayaw ng mga mayayaman ipasabi sa kanilang empleyado na may sakit sila. May iba't ibang rason sila, e. Sana pala natanong ko kay Mr. Hernandez kung ayos lang sa kanya.
"Pwede akong mag panggap na empleyado sa kumpanya niyo kung ayaw niyang mahalata. Para sa ikabubuti ni Mr. Hernandez ay gagawin ko."
"Salamat, Aurora." she gave me a forced smile bago ito tumayo, "Nakalimutan ko palang ipakita sa'yo yung kwarto mo, halika," naglakad ito papunta sa ilang mga pinto na nakikita ko, nagusot ang noo ko nang mapansin kong malayo na kami sa kwarto ni Mr. Hernandez. "Ito ang magiging kwarto mo, here's the key."
"Uhm, hindi ba napakalayo sa kwarto ni Mr. Hernandez?" nagdikit ang mga kilay nito at bahagyang humalukipkip.
"I assigned this room for you, Aurora." sabi nito bago bahagyang ilapag ang susi sa lamesa ng kwartong ito. "I forgot to tell you, no hard feelings ha? Mr. Hernandez hired you to be her private nurse. Kaya sana hanggang dun ka lang,"
She's about to left the room pero agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya, "Sana alam mong may malubhang sakit yung boss mo. Hindi ako pwedeng malayo sa kanya, I need to be with him all the time dahil baka may nangyayari na sa kanya ay hindi ko pa alam." sabi ko sa kanya.
Huminga ito ng malalim at bahagyang iniwas ang kanyang tingin bago ibalik sa'kin, "Trabaho ko ang alagaan siya, Ms. Jessica. Kung sa tingin mo ay may iba pa 'kong pakay sa kanya. Hindi ko na problema yun."
“Mayaman at mabait na tao si Mr. Hernandez, hindi imposible kung maghangad ka ng higit pa ron.” Akma pa ‘kong iimik pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko para kunin ang susing inilapag niya sa lamesa, "Saglit lang. Ipapalipat kita ng kwarto mo," umirap ito sa sahig bago ako iwan.
I smell something fishy…