Pinatawag kami ni Mr. Hernandez at sa dami ng kanyang empleyado, saktong-sakto ang mahabang lamesa na ‘to. Nasa kabisera s’ya at naka-upo naman ako malapit sa kanya. Tahimik ang buong silid, naghihintay ng rason kung bakit n’ya kami pinatawag.
“I called everyone to introduce my private nurse,” Nilahad n’ya ang kamay niya sa’kin dahilan para manlaki ang aking mga mata. Hindi ko naman inakala na ako pala ang topic. Marahan akong siniko ng assistant niya nang titigan ko ang kamay ni Mr. Hernandez.
“H-hi, I’m Nurse Aurora Ysabelle. Y-you can call me Nurse Ysa.” Nagpapawis ang mga kamay ko at ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Ngumiti ako sa kanilang lahat at ganun din sila sa’kin. Mukha naman silang mabait lahat, mukhang ‘yung assistant lang n’ya ang hindi ko makakasundo.
“Since you’re already his private nurse, you’re going to live here. Sila ang makakasama mo palagi,” Natigilan ako nang marinig ko ‘yun mula kay Ms. Jessica. Malakas kong na-i-patong ang kamay ko sa lamesa dahilan para matigilan si Ms. Jessica sa pagsasalita.
Nagtataka akong tumingin kay Mr. Hernandez, “L-live here po?” My forehead creased.
“Yes. Is there a problem?” Binato n’ya ako ng tingin at marahang tinaas ang kilay niya. Sa ginawa n’ya ay agad akong sumagot ng pag-iling. His look is really intimidating, it gives me goosebumps.
Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay na kanina pang nagpapawis dahil sa kaba. Kaya pala ako binigyan ni Ms. Jessica ng kwarto ay dahil dito ako maninirahan hangga’t ako ang nurse ni Mr. Hernandez. Akala ko ay para sa mga gamit at mga kailangan ni Mr. Hernandez ang kwartong ‘yun.
Ang pagtira sa bahay ng pasyente ay isa sa mga nasabi sa’min noon. Hindi ko alam kung bakit nawala sa isip ko ang bagay na ‘yun. Siguro dahil sa problema ko sa pera, hindi ko na naalala ang mga nakalagay sa kontrata. Sa takot na baka tumigil ang mga kapatid ko sa pag-aaral, basta na lang akong um-oo.
Aysh. Ano ba itong pinasok ko?
“Dismissed.” Tumayo si Mr. Hernandez at iniwan kami, mabilis ko ring nilisan ang silid para sundan s’ya. “Tell him to get my car,” Sabi n’ya kay Jessica. Mabilis itong sinunod ni Jessica dahilan para magdikit ang aking mga kilay. Agad ‘yun napansin ni Mr. Hernandez kaya’t muling tumaas ang kanyang kilay. ‘Yan na naman s’ya sa mga ganyan tingin!
“Uh- Kasasabi n’yo lang po sa’kin kanina na masama ang pakiramdam niyo tapos papasok pa rin po kayo? I think you need to rest, Mr. Hernandez.” Sabi ko.
“Inuutusan mo ba ‘ko, Aurora?” Umayos ako ng tayo at mabilis na umiling. He crossed his arms at me and slowly walked towards me. Marahan akong umatras nang gawin n’ya ‘yun hanggang sa matigilan ako dahil sa banga na nasa aking likuran. “You’re my nurse, not my wife. Unless, gusto mong maging asawa ko?”
I cleared my throat as my lips parted. Marahan akong tumungo para umiwas sa mga tingin n’yang konti na lang mapapa-oo ako sa tanong n’ya. Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa bago marahang lumayo sa’kin.
“Mr. Hernandez, ready na raw po ‘yung sasakyan.” si Ms. Jessica.
Ngumisi ito sa’kin bago umalis. Ilang segundo akong natulala dahil sa ginawa n’ya. Kahit kailan talaga napakagaling niya sa mga ganun na galawan. Umirap ako bago ko makita si Ms. Jessica na palapit sa direksyon ko. “Hey, let’s go. He hates being late, remember?”
Agad akong tumango bago ako nagmadaling kunin ang bag ko. Lumabas agad ako at bumungad sa’kin si Ms. Jessica at Mr. Hernandez na nag-uusap. Nang dumating ako ay agad nilang tinapos ang usapan nila. “Aurora, sit beside me.” Napansin ko ang pag-upo ni Ms. Jessica sa tabi ng driver kaya’t nagmadali ako sa pagpasok sa kabilang pinto.
Nang makaupo ako ay agad kong binuksan ang bag ko para kunin ang gamot na iinumin n’ya ngayong oras. Binuksan ko ang medicine organizer niya at marahan itong inabot sa kanya kasabay ng tubig n’ya. “Mamaya na lang,” Aniya.
Marahan akong umiling, “Hindi po pwede, ngayon po ang oras ng pag-inom n’yo ng gamot, Mr. Hernandez.”
“Iinumin ko na lang agad mamaya.”
Hindi ko pa rin inaalis ang gamot at tubig sa harap niya. “Every minute is important, Mr. Hernandez. Hindi po pwedeng ma-late ang gamot niyo. Ayaw niyo po ng late, d’ba?” Pagkatapos kong sabihin ‘yun ay agad ko s’yang binigyan ng nakakainis na ngiti. Bumabawi lang ako sa ginawa n’ya sa’kin kanina.
Tinapunan n’ya ako ng masamang tingin na agad ko ring sinagot ng pilit na ngiti. Labag sa loob niyang kinuha ang gamot at tubig n’ya sa’kin. Hinagis n’ya sa kanyang bibig ang lahat ng gamot na iinumin niya, “Mr. Hernandez-” Huli na ang lahat. Nainom na n’ya.
Ilang minuto akong naghintay sa pag-abot n’ya sa’kin ng tubig hanggang sa mapansin kong kanina pa s’yang hindi nagsasalita, “Mr. Hernandez?” Marahan niyang hinahampas ang dibdib n’ya na sa tingin ko ay dahilan nang sabay-sabay niyang pag-inom ng gamot. Napunta ang atensyon naming lahat sa kanya, “Uminom po kayo ng tubig, Mr. Hernandez.” Tinabig n’ya ang kamay ko at patuloy pa rin sa paghampas sa kanyang dibdib. “Drink some water if you don’t want to die.”
Labag sa loob n’ya ulit itong kinuha sa’kin bago sundin ang sinabi ko. Gusto lang pala n’yang mag-ingles ako bago n’ya ako sundin. Mabilis s’yang nakahinga ng maayos nang maka-inom s’ya ng tubig. “Are you okay, Mr. Hernandez?” tanong ni Ms. Jessica.
Jessica handed him his handkerchief which he quickly accepted. He wipes the water on his lips before looking at me, “Hindi ang sakit ko ang papatay sa’kin kundi ‘yang mga gamot na ‘yan,” Aniya.
“Kung hindi niyo po pinagsabay lahat, magiging maayos po ang pag-inom niyo ng gamot.” Nang sabihin ko ‘yun ay agad akong tiningnan ni Ms. Jessica, sinilip din ako ng driver mula sa rear-view mirror ng sasakyan. Marahan kong nilingon si Mr. Hernandez para tingnan ang reaksyon n’ya.
Ngumisi lang ‘to sa’kin bago ituon ang kanyang pansin sa labas ng bintana. Kahit kailan talaga ‘tong bibig ko, minsan ay walang preno. Madalas akong napapahamak dahil sa pagiging prangka ko. Hindi na talaga ako magtataka kung wala na ‘kong trabaho mamaya.
Mabilis kaming nakarating sa kumpanya, baba na sana ako nang biglang magsalita si Mr. Hernandez, “Jessica, ‘yung paper bag na binigay ko sa’yo kanina, ibigay mo kay Aurora.” Tumaas ang kilay ko, nagtataka kung anong paper bag ‘yun. “From now on, hindi ka na papasok ng naka-uniform. Suotin mo ‘yung mga damit na pinili ko para sa’yo. Don’t let my employees see you with that uniform.” Mabilis s’yang bumaba at hindi man lang in-explain sa’kin ang rason.
Pinoy-henyo ba ‘to? Nasa eat bulaga ba ako?
“Let’s go,” Sambit ni Ms. Jessica. Umandar ang sasakyan at mukhang sa likod kami ng kumpanya dadaan. Sana kasi sa bahay nila ako pinagpalit, d’ba.
***
Hinila ko pababa ang mahigpit at maikling palda na pinasuot sa'kin ni Ms. Jessica. Hindi ako madalas magsuot ng mga ganitong damit kaya hindi ako sanay na kita ang hita ko. Pinagsuot n'ya ako ng puting polo para i-tuck in sa itim na paldang pinasuot n'ya.
Naka-upo kami ni Ms. Jessica rito sa loob ng office, hinihintay si Mr. Hernandez. Halos mapunit ang palda ko dahil sa kanina ko pang paghigit dito. Kung maikli ito kanina, mas umikli siya dahil sa pag-upo namin. Sino bang pumili nito at sobrang kinulang naman sa tela.
"Don't let them notice that you're his private nurse. At saka kanina, hindi ko nagustuhan ang paraan ng pag-sagot mo kay Mr. Hernandez. Nurse ka niya, hindi kaibigan o kamag-anak. Kung paano ko s'ya kausapin, dapat ganun ka rin sa kanya." Marahan akong tumango sa kanya. Ang hirap naman kung kakausapin ko ng sobrang pormal si Mr. Hernandez. Hindi ako sanay.
"It's okay, Jessica." Agad kaming tumayo at marahang yumuko. Kanina pa ba siyang nasa pintuan? Pumasok s'ya at umupo sa harap ng kanyang lamesa. "Hindi naman ako nababastusan sa way ng pakikipag-usap niya sa'kin. Let her do what she wants." Ngumiti s'ya sa'ming dalawa bago niya buksan ang ilang folders na nakapatong sa kanyang lamesa.
Marahan akong tumingin kay Ms. Jessica at tiningnan niya lang ako ng wala man lang reaksyon. Marahan itong yumuko kay Mr. Hernandez bago lisanin ang opisina.
Kung pwede lang akong tumayo buong maghapon ay gagawin ko. Mas lalong tumataas ang suot ko sa tuwing umuupo ako. Wala naman akong ibang choice kundi ang umupo.
"You look presentable, Aurora. Hayaan mo, sasabihin ko kay Jessica na ibili ka pa niya ng marami n'yan."
"Mr. Hernandez, hindi po ba ako mukhang presentable sa suot ko kanina? Hindi po kasi ako sanay magsuot ng mga ganitong ka-iksing damit."
"You should get used to it. You can't wear your uniforms here in my company. Besides, you have a slender body, walang dapat ikahiya." He smirked at me again before he focused on the papers. "Basta sabihin mo sa'kin kapag may bumastos sa'yo."
Tumunog ang telepono sa gilid niya na mabilis niya ring sinagot bago ako talikuran.
Tumingin muna ako sa orasan ko at nang makita kong ilang oras pa bago ang sunod niyang gamot ay naisipan ko munang lumabas. Alam ko namang hindi niya gustong makinig lang ako sa pinag-uusapan nila kaya lumabas na lang ako.
Bumungad sa'kin ang ilang empleyado na abalang-abala sa trabaho. Hindi ko sila napansin kanina, siguro dahil hindi ako makali sa suot kong palda. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga kapatid ko. Paano na sila kung ilang araw akong wala sa bahay? Hindi ko naman pwedeng iwan ang mga 'yun lalo na't pareho silang babae.
Papasok na sana ako sa loob nang humarang bigla sa'kin si Ms. Jessica. Bahagya akong umatras at marahang tinaas ang aking kilay.
"Tungkol sa ginawa ni Mr. Hernandez kanina, pagpasensyahan mo na siya ha. Ganun talaga siya sa iba't ibang babae." Wika niya. Hindi ko alam kung ‘yung paglapit ba sa’kin ni Mr. Hernandez ang tinutukoy n’ya.
Likas sa mga lalaki ang mga ganun na aksyon kaya hindi ko binigyan ng pansin ang ginawa niya kanina. Kahit sinong babae ay hahangarin na mapangasawa siya dahil sa kung anong meron s'ya ngayon. Hindi ko naman inakala na napansin 'yun ni Ms. Jessica.
"Naiintindihan ko. Trabaho lang naman ang pinunta ko rito kaya wag kang mag-alala. Hindi naman ako nahuhulog sa isang lalaki ng ganun ganun na lang–" Natigilan kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Mr. Hernandez. Kung hindi ako nagkakamali, narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Excuse me," Dagdag ko.
Pumasok ako at bumungad s'ya sa'kin na nakatutok sa kanyang laptop habang paulit ulit na pinipindot ang ballpen na hawak niya.
"About what I've said earlier, you're going to live in my house until I am fully recovered. Miguel called me, asking me if you have a problem with that. Is there something I need to know?" Sabi niya. Hindi man lang siya nag abalang tingnan ako dahil abala siya sa kanyang laptop.
"Gusto ko po sanang itanong kung pwede po akong umuwi araw-araw? May dalawa po kasi akong kapatid at ako lang po yung–"
"Your job description is to take care of me and provide the service I need. Sa tingin mo, if I let you come home every time you want, can you provide what I've mentioned?" Nangibabaw ang boses niya sa buong silid. Katulad kanina, nabalot ulit ng kaba ang dibdib ko.
Marahan akong umiling bilang tugon sa kanyang sinabi. "Kasalanan ko po kasi hindi ko inintindi ng maayos yung contract."
"Anong gusto mong palabasin? Are you resigning? Kabago-bago mo pa lang sa trabaho mo, na-ho-homesick ka na agad. So tell me, dapat ba 'kong humanap ng bagong nurse?"
Mabilis akong tumunghay nang marinig ko 'yun sa kanya. Hindi ko gustong mawalan ng trabaho lalo na't kailangan ko ng pera. Hindi ko kayang tumawag sa mga magulang ko para humingi ng tulong. Hindi ko kailangan humingi sa kanila dahil kaya kong buhayin ang mga kapatid ko mag-isa.
"Ayokong pinaghihintay ako, Aurora. Tell me, do you want me to replace you?" Mabilis kong pinawi ang luha ko nang maramdaman ko ang pagtulo nito.
"Mr. Hernandez…"