“Nang malaman namin na may cancer s’ya, alam ko na agad na mahihirapan kami sa paghahanap ng nurse dahil mataas ang standard ni Mr. Hernandez. Hindi n’ya gustong nilalapitan s’ya ng kung sino-sino lang kaya nang sabihin ng kaibigan n’ya na pasok ka sa standards ni Mr. Hernandez, tuwang-tuwa kami kasi finally, we already found the person who can take care of him." Ngumiti sa'kin si Ms. Jessica bago ako tapikin sa aking braso. "Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang pag-iwas mo sa tanong n’ya kanina. In my 16 years of working with him, ikaw pa lang ang nakikita kong kumakausap sa kanya ng ganun.”
“Na-blanko ang utak ko kanina, Ms. Jessica. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, kaya sa takot na baka magkamali ako, tumakbo na lang ako palayo sainyo."
Biglaan ang tanong ni Mr. Hernandez sa'kin kanina tapos hindi pa malinaw sa'kin kung dapat ba 'kong mag-stay sa trabahong ito. Kapag nagpatuloy ako, may pag-asa akong ma-promote at pwedeng tumaas ang sweldo ko. Malaking tulong 'yun sa'kin lalo na't nasa hayskul pa lang ang mga kapatid ko.
Ako lang ang pwedeng asahan sa pamilyang 'to dahil hindi naman madalas nagpapadala si Mama sa'kin. Si Papa naman, parang kinalimutan na kami. Minsan napapaisip na lang ako, pumunta si Mama sa abroad para may maitulong siya samin pero bakit halos tatlong buwan ang pagitan sa tuwing magpapadala siya?
Ano yung hindi ko alam?
"Pagpasensyahan mo na si Mr. Hernandez kanina ha. Isa sa mga ayaw niya ay yung mga taong basta nalang nang-iiwan sa ere, walang isang salita at isa pang pinaka-ayaw niya e yung tinatanggihan siya." Sa labing-anim na taon na pagtatrabaho ni Ms. Jessica kay Mr. Hernandez, hindi na 'ko magtataka kung kilalang-kilala na niya ang boss niya.
Kaya pala ramdam ko ang galit niya kanina nang tanungin n'ya ako. "Lumalalim na ang gabi. I think you should talk to him after ng nangyari kanina. Sige na," Aniya.
Tinapik niya ang balikat ko bago tumayo, paalis na sana siya nang biglang tumunog ang radio niya sa bewang.
"Bring my medicine, Jessica. Ikaw ang magdala rito, ikaw." Hanggang ngayon ramdam ko pa rin sa boses niya na naiinis pa rin s'ya sa nangyari. Hindi ko naman alam na ayaw niya pala ng iniiwan s'ya. Malay ko ba? Kaya siguro tumagal ng 16 years itong si Ms. Jessica sa kanya.
Nakatingin lang ako sa sahig, nagpanggap na walang narinig. Sa tingin ko, sign na 'yun na wala na talaga akong trabaho. Ano pa nga ba, Aurora? Hindi ko sinagot ang tanong niya kanina at iniwan ko sila. Sa tingin mo, may trabaho ka pa rin? Pagkatapos mong mag-attitude sa harap nila?
Lumingid ang mga luha ko. Hindi ko inakala na mawawalan ako ng trabaho dahil lang sa wala akong isang salita at padalos-dalos ako magdesisyon.
"Get back to work, Aurora."
Marahan akong tumingala para tingnan si Ms. Jessica.
"Anong ibig mong sabihin?"
"May tuition fee ka pang kailangan bayaran next month. Kailangan mo ng pera na maiipon para sa pagka-college nila, d'ba?" Bahagya akong nginitian ni Ms. Jessica bago marahang tumango. My forehead creased as I wipe my tears away.
"Eh paano kung ipagtabuyan niya ako, Ms. Jessica?" tanong ko.
"He won't do that. Anong oras na, oh. Lampas na sa oras ang pag-inom niya ng gamot."
Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa. Mabilis akong tumayo at agad na niyakap si Ms. Jessica, "Maraming salamat." Hinimas niya ang likuran ko bago niya ito tapikin.
Kumalas ako sa kanya at binigyan siya ng malawak na ngiti. Mabilis akong tumakbo para kunin sa bag ko ang gamot ni Mr. Hernandez. Nagmamadali kong kinuha ang gamot at tubig niya bago dumaretso sa kwarto niya.
Hinahabol ko ang aking hininga nang marating ko ang pintuan ng kwarto niya. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Kaya mo yan, si Mr. Hernandez lang yan! Painumin mo lang siya ng gamot tapos umalis ka na.
Kakatok na sana ako nang mapansin kong nakabukas ang pintuan niya. Marahan ko itong tinulak para sumilip. Narinig kong may kausap siya sa telepono kaya marahan akong napa-atras.
"I'm alright, Mom." Bahagyang sumilip ang mga ngiti ko nang marinig ko kung gaano kahinahon ang boses niya, napakalayo sa boses na narinig ko kanina. Masaya akong ganito siya kahinahon kapag kausap niya ang nanay niya, hindi ko inakala na ma-respeto pala ang isang Mr. Hernandez sa kanyang magulang.
Napaka-ideal naman nito. Gwapo na, may magandang tindig, magandang katawan, mayaman at higit sa lahat may respeto sa magulang. Narinig ko sa kanila na isa pa lang ang naging girlfriend ni Mr. Hernandez. Sobrang ideal niya 'no. Napaka-swerte ng babaeng liligawan niya.
"Akala ko rin magaling na 'ko, Mom." I can feel his disappointment through his voice. Marahas nitong hinila ang neck tie niya bago niya ito ibato sa sahig. Tinanggal niya ang dalawang butones ng kanyang polo dahilan para sumilip ang kanyang dibdib.
"I have the symptoms, so I decided to see a doctor. 'Yun nga, I still have blood cancer, stage 2 po, Mom."
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Lumingid ang mga luha ko dahil sa malalim at mahinang boses ni Mr. Hernandez.
"Don't cry na. This is just a cancer, your son is a fighter, Mom. Puntahan na lang kita kapag hindi na 'ko busy. Stop crying na, I love you." Ilang minuto siyang naghintay bago niya ibaba ang tawag. Hinagis niya sa kama ang telepono niya bago sapuhin ang ulo niya.
Ilang minuto siyang nanatiling naka-sapo sa kanyang ulo kaya't agad akong pumasok ng kwarto at mabilis siyang nilapitan. "Mr. Hernandez, ano pong nararamdaman niyo? May masakit po ba sainyo?" Hinawakan ko ang kamay niya at marahan akong umupo sa harap niya.
Naghihintay ako sa sagot niya ng marahan siyang tumunghay para harapin ako. Lumaglag ang ilang piraso ng kanyang buhok sa kanyang mukha. Nagtama ang aming mga tingin bago bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. Hindi ko inakalang ganito kaganda ang mga labi niya sa malapitan.
Natumba ako sa pagkakaupo ko nang tabigin ni Mr. Hernandez ang kamay ko. "Aray ha." Sambit ko bago ako marahang tumayo at inayos ang sarili.
"Why are you here?" Singhal niya sa'kin. Nawala ang pagka mahinahon niya nang makita niya ako. Siya lang yata ang nagagalit kapag nakikita ang maganda kong mukha. Loko 'to ah.
"To give you this…" Marahan kong inabot sa kanya ang gamot at tubig bago ko siya pilit na ngitian.
Umikot ang mga mata niya bago labag sa loob na tinanggap ang gamot niya. Alam mo konti na lang, iisipin kong may buwanang dalaw ang lalaking 'to. Mas madalas pa ang pagiging masungit niya kaysa sa'kin ha.
Nang matapos niyang inumin ang gamot niya ay mabilis niyang inabot sa'kin ang tumbler niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hubarin ang polo niya sa harap ko. Mabilis akong tumalikod nang gawin niya yun. Wala man lang pasabi ang lalaking 'to!
Lalabas na sana ako ng kwarto niya nang bigla ko siyang narinig na nagsalita.
"Do I have bruises?" Nang marinig ko 'yun ay marahan ko siyang hinarap. Tinalikuran niya ako at bumungad sa'kin ang ilang mga pasa sa kanyang likuran. Marahan akong lumapit sa kanya at bahagya itong hinawakan. "Marami ba?"
"Hindi naman…" Tugon ko.
Kahit may mga pasa siya sa ilang parte ng katawan niya, nangingibabaw pa rin ang ganda ng kanyang katawan. Mukhang maalaga naman sa kalusugan itong si Mr. Hernandez kaya nakakapagtaka kung bakit niya nakuha ang sakit na 'yun. Siguro mula sa lahi nila.
"I thought you're resigning." Sambit niya. Dinampot niya ang white shirt sa kama niya at mabilis itong sinuot.
"Wala naman akong sinabi." Ngumisi siya nang marinig niya ang sagot ko. Umupo siya sa kama niya at nanatili naman akong nakatayo.
"What else do you need? Matutulog na 'ko. Isara mo na lang yung pinto." Hihiga na sana siya nang agad akong nagsalita para pigilan siya. "What?" Aniya.
"Sorry kung wala akong isang salita. Sorry kung padalos dalos ako sa pagdedesisyon. Hindi kasi ako sanay na iniiwan ang mga kapatid ko kaya't ganun na lang ang naging reaksyon ko. Hindi rin ako mapakali kapag ibang tao ang nagbabantay sa kanila. Sorry po ulit, Mr. Hernandez."
"It's okay. Naiintindihan kita. You know what? Ngayon pa lang kita nakilala pero alam ko na agad ang kahinaan mo." Pilit akong ngumiti bago ako napakamot sa aking ulo. Bahagya itong tumawa bago marahang umiling. "Miss mo na sila?"
"Sobra po," I pouted.
"Wait. Nga pala, why did you accept Miguel's offer without reading the contract properly? Pwede kang maloko kapag pinagpatuloy mo 'yan."
Tama naman s'ya, e. Pwede talaga akong maloko dahil sa ginawa ko. Wala e, desperado na 'ko nung mga oras na yun kaya tinanggap ko kaagad. Nalaman kong malaki ang sweldo ng private nurse, tapos may pag-asa pa 'ko ma-promote kaya mabilis kong tinanggap at hindi man lang nagdalawang isip.
"We have financial problem, Mr. Hernandez. Kaya hindi po ako nagdalawang isip tanggapin yung offer niyo. Yung tatay ko po kasi–" Tinaas niya ang kamay niya dahilan para matigilan ako.
"You're giving too much information, Aurora. Tinatanong ko lang kung anong rason mo, hindi ko tinatanong yung buhay ng tatay mo." Bahagya siyang tumawa bago umiling.
Nabalot ng tawanan ang kwarto niya, ang malakas niyang tawa at ang gumagalaw niyang adam's apple ang dahilan kung bakit hindi mawala ang mga ngiti ko. Pati ba naman tawa niya, gwapo rin?
"Are you the breadwinner of your family?"
"Yes po. Ako lang po kasi–"
"Oh yan ka na naman." Muling nabalot ng tawanan ang silid. Bakit ba kasi napaka-daldal ko? Kusa nalang kasi talaga bumubuka ang bibig ko. Nasanay kasi akong makipag-chismisan sa mga katrabaho ko kapag nag-aalis kami ng antok. Nakakahiya tuloy kay Mr. Hernandez.
"Sinong kasama ng mga kapatid mo ngayong gabi?"
"Wala po." Tipid kong sagot dahilan para ngitian ako ni Mr. Hernandez. Madali akong matuto, uy.
"Do you want to go home?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yun. Tila ba naging musika ang tanong na 'yun sa tainga ko at di ko maalis ang mga ngiti ko. Sa lahat ng tanong niya, ito lang yung nagustuhan ko.
Napawi ang mga ngiti ko nang maisip kong baka pinapaasa lang ako ng mokong na 'to. "Totoo ba yan? Baka pinapaasa niyo lang ako." He simply chuckled before shaking his head.
"I'm serious. If you want to go home, ipapahatid kita. Basta agahan mo lang ang pasok mo bukas."
"Ibig sabihin po ba nito, pwede akong umuwi araw-araw?" Pinagdikit ko ang mga kamay ko at nilagay ito sa aking baba habang naghihintay sa kanyang sagot..
"No. But, I will give you 2 days to decide. You're going to accept my offer or not? If yes, you'll live here until I'm fully recovered. If not, I will find another nurse to replace you."
Sunod-sunod akong tumango sa kanya. Hindi lang naman pala basta masungit itong si Mr. Hernandez. Napakabait din niya at maintindihan. Sana naman palagi.
"Ipapahatid kita sa driver ko tonight. Basta bumalik ka ng maaga bukas para sa mga gamot na iinumin ko ha." Sunod-sunod ulit akong tumango sa kanya at hindi na napigilan ang sarili kong yakapin siya.
Hinimas niya ang likuran ko bago ako kumalas. "Anyway, how much is the tuition fee of your sister?"
Nagpaka wala ako ng malalim na hininga bago ako tumingin sa kanya, "Isa pa nga po yun sa problema ko. Kinsenas naman po ang swelduhan dito, d'ba?" Tumango siya bilang tugon. "Pinoproblema ko po yung one thousand five hundred na tuition fee ng kapatid ko."
"One thousand five hundred lang?" Parang gulat na gulat siya sinabi ko. Bakit? Malaki na yun para sa'kin ano.
"I will take care of that. Ifully paid mo na sila sa school nila para wala ka ng problema. I'll talk to Jessica to manage that, okay?"
"Nako, wag na po,"
"Sige na, gift ko na 'yun sa mga bata."
Hindi ko naman inakala na kasama ito sa benefits na makukuha ko. May maganda naman palang puso itong si Mr. Hernandez kahit madalas masungit.
"Thank you po talaga, Mr. Hernandez. Promise, gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko." Tinapik niya ang balikat ko bago ngumiti.
"Sige na, it's getting late. I'm sure they are waiting for you." Tumango ako sa kanya bago ako tumayo para lisanin ang kwarto niya. Pero bago ko pa magawa yun ay muli niya 'kong tinawag. "Aurora, may nakalimutan ka."
Dala ko naman ang tumbler at gamot niya kaya nagdikit ang mga kilay ko nang lingonin ko siya.
"D'ba sabi ko sa'yo, tawagin mo na lang akong Alvaro. I hate my surname so don't call me with that." Tumango ako at ngumiti sa kanya. He hates it? Pati ba naman apelyido niya, ayaw niya? Eh dba yun ang tawag sa kanya nina Ms. Jessica?
"Sige po, Alvaro." Sagot ko. Nakangiti akong kumaway sa kanya dahilan para mapangiti siya. Marahan kong sinara ang pintuan bago ako nagtatalon sa harap nito.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso ko ngayon. Tumatalon sa saya ang puso ko na tila ba gustong lumabas sa katawan ko. Hays, thank God!